Friday, November 27, 2015

Kailangan po natin ng P250 para sa costume ng mga bata na minsan lang nila isusuot sa buong buhay nila para sa palabas na 10 mins lang ang itatagal

Oh the fun of it all.


As a matter of fact, last month napilitan akong sumama sa isang “Fun” Walk na ginanap sa paaralan ng aking palamuning anak. Sapilitan kasi sino ba namang tanga ang gustong maglakad sa initan nang walang dahilan. Well actually may dahilan itong “Fun” Walk. Para maka paningil na naman ang paaralan sa bagay na walang kinalaman sa edukasyon. Para sa “Fun” Walk na ito kailangang bumili pa ng "Fun" Walk t-shirt. Maglalakad lang sa arawan kailangan pa ng bagong t-shirt? Fuck I’m so in. Anyway P120 yon. Tingin ko mga P70 lang ito kung tutuusin. Kaching.

Habang naglalakad sa “Fun” Walk na ito, naisip ko na magandang business nga naman talaga ang magtayo ng isang paaralan. Ganito lang ang math eh.

Sabihin mo nang ang sahod ng isang guro ay P30,000 kada buwan. Papasahurin mo siya ng labindalawang buwan plus 13th month. So kailangan mo lang talaga ay 13 estudyante na sisingilin mo ng P30,000 per year sa tuition fee. Gawin nating ang isang section may 25 na estudyante, o e di may pera ka na para sa operating expense. Gawin na rin nating may morning and afternoon sections. Kaching.

Tapos i-require mo pang bumili ng "Fun" Walk t-shirt.

Kaching.