Friday, October 2, 2015

Pro Tip #221

Mag-iwan ng Pagkain sa Office Locker

Kung may office locker ka sa iyong sakahan, marapat na mag-iwan ka ng pagkain paminsan-minsan sa loob nito. Isipin mo, pauwi ka na sa isang araw na puno ng stress tapos pagbukas mo ng locker mo may isang bar ng chocolate. Tapos kakainin mo habang naghihintay ng UV Express na ang tagal dumating dahil traffic sa QC Circle dahil umambon at bumaha na naman sa Philcoa. Kahit papaano natanggal stress mo. O kaya naman pag pasok mo galing sa napakinit at siksikang MRT na kalahating oras bago ka pa man nakasakay at yung katapat mo pa lalaking naka sando na nakakapit sa handrail, pero pagbukas mo ng locker nandon pa yung dinuguan na baon nung Thursday na Monday mo na nabalikan dahil long weekend. Ang sarap sa feeling di ba. 

Kaya yon pro tip, mag-iwan ng pagkain sa office locker for a pleasant surprise.