Tuesday, October 27, 2015

He will wipe every tear from their eyes. There will be no more death or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away. - Revelation 21:4

Eh putangina beast mode ako. Nitong linggo naisipan ng papansin kong  kuko sa hinlalaking daliri sa paa na humabol sa pyesta ng mga patay. Kaya ayun, nag suicide sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa solid na pinto ng cabinet.

RIP Mofo.

Pero kung meron mang magandang naidulot ang lahat ng kaganapan na ito, ay yung hindi na halata na madumi yung kuko ko. Itim na lahat eh.

Thursday, October 22, 2015

Tapos nanalo pa ako sa raffle ng gift basket na puno ng shampoo.

Kahapon sa aming team townhall, naparangalan ako for “Exemplary Performance” .

Ladies and Gentlemen, na master ko na ang “Kunwari Busy Kahit Walang Ginagawa” technique.
Suck it bitches.

Suck. It.

Friday, October 2, 2015

Pro Tip #221

Mag-iwan ng Pagkain sa Office Locker

Kung may office locker ka sa iyong sakahan, marapat na mag-iwan ka ng pagkain paminsan-minsan sa loob nito. Isipin mo, pauwi ka na sa isang araw na puno ng stress tapos pagbukas mo ng locker mo may isang bar ng chocolate. Tapos kakainin mo habang naghihintay ng UV Express na ang tagal dumating dahil traffic sa QC Circle dahil umambon at bumaha na naman sa Philcoa. Kahit papaano natanggal stress mo. O kaya naman pag pasok mo galing sa napakinit at siksikang MRT na kalahating oras bago ka pa man nakasakay at yung katapat mo pa lalaking naka sando na nakakapit sa handrail, pero pagbukas mo ng locker nandon pa yung dinuguan na baon nung Thursday na Monday mo na nabalikan dahil long weekend. Ang sarap sa feeling di ba. 

Kaya yon pro tip, mag-iwan ng pagkain sa office locker for a pleasant surprise.