Monday, September 28, 2015

The cake looked like a homespun masterpiece. It was fluffy as a pillow, toasty brown, and shot through with plum-colored swirls.

iHop Tocino 6S Plus


Subject: iHop Fairview Terraces Station

Nabiyayaan na kami ng Diyos. Sa unang pagkakataon ang munting bayan ng Pasong Putik sa bulubundukin ng Novaliches ay naabot na rin ng iHop. Dahil dito hindi na kami matatawag na taga-tribo.

Gaya ng lahat ng produckto ng Apple®, ang iHop ay pinangungunahan ng tinatawag nating “brand recognition”, kung saan kahit overpriced, at alam mong overpriced ang iyong bibilhin, bibili ka pa rin kasi syempre Apple® product yan eh. So as expected medyo mas mahal sa iba ang pagkain sa iHop. Ito ay sa kadahilanang kahit binating itlog lang yan, nabasbasan naman yan ni Steve Jobs®. Pero dahil yung manager pala ng iHop Fairview Terraces Station ay kaklase dati ng babaeng katabi ko matulog, nakakuha kami ng LIBRENG platter ng onion rings, chicken strips, mozarella sticks, juice at may kasama pang ice cream para sa dessert. At dahil dyan masasabi ko na SULIT NA SULIT ANG PAGKAIN SA iHOP. GRABE BABALIK NGA AKO ULIT SA TAONG 2018!

Rating: Fuck yeah free food!