Tuesday, September 15, 2015

Mail Tiquette - A mini series

Kung ikaw ay isang ganap nang magsasaka, alam mo na 83.4% ng ginagawa mo ay ang pagbabasa at pagsagot sa email. Masaklap lang isipin na karamihan sa mga magsasaka ngayon ay hindi pa rin marunong ng mga tamang gawain ukol sa paggamit ng email.

1. Laging humingi ng  "Request a Read Recepit" - Kung outlook ang gamit niyo makikita mo yan sa Options tab. Gawin mo itong default para malaman ng kasakahan mo na wala siyang palusot na hindi niya nabasa ang pinadala mong email. Ito ang katumbas ng Facebook Seen ng mga kabataan. Padalhan mo siya ng email kada 10 minuto hanggat wala kang natatanggap na Read Receipt.



Sinasabi nito na mahalaga ang email ko tungkol sa isang article sa Buzzfeed.

2. Gamitin ang "Use Voting Buttons" - Madalas yung pinapadalahan mo ng email may mga saloobin na hindi nila masabi sa iyo ng harapan. Pagkakataon na nila na mailabas  ito sa pamamagitan ng Voting Buttons sa email. Pwede mong gawing choices yung "Fans ako ni James Reed"; "Fans ako ni Dingdong Dantes. O kaya "I'll have sex with you tonight"; "I'll have sex with you tomorrow". Point is, the possibilities are endless.



Sinasabi nito na may opinyon ka. Kahit na pa gusto mong maging presidente si Bongbong Marcos.



3. Ugaliing gumamit ng CC field - Halimbawa may papadalhan ka ng email, tapos kilala mo yung mga katabi niya sa cubicle, isama mo sila sa CC. Para kung sakaling hindi kaagad mabasa ng papadalhan mo yung email, pwedeng sabihin ng mga katabi nila na, "Uy pre, may email sa iyo si Romy baka gusto mong sagutin." Mahalaga rin na gamitin mo ito kung may sub-team email sila. Kunwari may ginawa siyang mali, i-CC mo ang sub-team email nila para malaman ng buong team ang kanyang pagkakamali sa gayon hindi na nila ito gagayahin.

Sinasabi nito na sama-sama tayong lahat sa hirap o ginhawa.