Monday, August 10, 2015

Lost In Love and I don't know much was I thinking aloud and fell out of touch?

Kahapon habang nagma-malling ako mag-isa may nakita akong mag-ama na namamasyal din. Napansin ko lang na magkatali sila sa galanggalangan. Sa totoo lang nawe-weirduhan ako pagnakakita ng mga ganitong eksana na para bang may alaga ka lang aso na dinala sa mall at hindi tao ang kasama mo. Sa aking palagay, kung hindi naman niya pala kayang mag-alaga at natatakot siya na baka mawala sa mall yung kasama niya, eh di sana hindi na lang niya dinala sa mall!

Dahil kung mawala man ang tatay niya, isa lang ibig sabihin no’n, hindi siya responsableng anak.