Friday, July 3, 2015

Kahit pwet mo huhugasan ko

Laking issue sa ibang tao yung balitang pinaghuhugas ni Dingdong ng plato si Marian. Kesyo hindi naman daw ito balita, sila rin naman nag huhugas ng plato. O mga tipong ano bang espesyal kay Marian at Dingdong at masmahalaga pang balita ito kaysa mga nangyayari sa bansa natin.

Ang masasabi ko naman ay, potah si Dingding ito eh, pinaghuhugas si Marian. Dingdong. Isipin niyo Dingdong. Ding. Dong. Pinaghuhugas si Marian. Matanong kita, ikaw ba ipaghuhugas niyo ng kutsara ang kasambahay mo? Hindi. Pwera na lang kung kasing ganda ni Marian. So anong gusto kong palabasin? Wala.