Thursday, March 26, 2015

Piquant to the tongue and delectably rank.

Sepia para artsy. Saka ang labo rin ng kuha ng phone.


Subject: Pancake House Fairview Terraces Brotherhood

Kaya naging Pancake House ang Pancake House ay dahil sa Pan Fried Chicken nila. Kaya nga Pan 'di ba? At dahil dyan, syempre yon ang inorder ko.

Yung high school ako, may kinakainan kami sa UP Diliman. Doon sa may Kamia Residence Hall. Madalas din kami dito kasi masarap yung gravy nila. So gagawin namin magha-hahati kami sa isa o dalawang breaded porkchop(depende kung 4 o 8 ang kakain) tapos bubuhusan lang namin ng maraming gravy yung mga kanin. Solb. Pipty pesos lang kasi yung baon ko non, kasama pa pamasahe. Tapos pang rugby pa.

Anyway, hindi ko sinasabi na ganon kasarap ang gravy ng Pancake House.

Rating: Sad, para sa waiter na nakalaglag ng plato.