Monday, February 23, 2015

Baka matindi lang talaga tama ng anestisya

Facebook status ng bagong panganak:

"The pain is worth the wait..."

End.

Tuesday, February 17, 2015

Gusto mong tampalin kita ng 284.47 points?

Sigurado lahat tayo natanong na kung may SM Advantage card. Matagal din ako nag pumigil kumuha niyan, kaso dumating sa point na gusto ko nang manakit ng cashier.
Recently lang na upgrade yung Advantage card ko to Take Advantage card. Hahahaha. Fuck you...
Prestige Card na siya ngayon. Like, FUCK OFF BITCHES, DITO AKO SA CASHIER FOR THE PRIVILEGED. Tapos mahaba pa rin naman pila. Potah naging Prestihiyoso pa ako.

Pagmasdan Figure A.




  1. Nakagastos na ako sa SM We Got It All For You ng P69,210.99. Saan napunta yon? Saka saan ako kumuha ng ganong pera?
  2. May points ako na 284.47. Bale katumbas yan ng P284.47. Wow. Ang laki.
  3. Seryoso saan napunta yung ginastos ko sa SM We Got It All For You?

Tapos last week lang, nakita ko ang tunay na halaga ng Prestiged Card. Meron pala sa  SM We Got It All For You SM Fairview Chapter yung tinatawag nilang Prestiged Lounge. Dito sa Prestiged Lounge pwede kang makisalamuha sa mga kapwa mo Prestihiyoso na gumagastos ng P69,210.99. Hallelujah. Hindi ko na kailangan tumambay lagi sa food court na may dalang isang isang litrong RC at malaking Tortillos. Sa Prestiged Lounge pwede kang humingi ng juice o kape. Tapos libreng wifi pa. Pwede kang mag basa ng mga magazine o dyaryo habang nagkukunwaring may P69,210.99.
Pero higit sa lahat guys maganda ang CR. Pwedeng pwede kang tumae na may peace of mind. Prestihiyoso talaga.