Thursday, December 3, 2015

Reverse psychology

Bakit pag malamig tumitigas ang utong pero ang tite lumalambot?

Asking for a friend.

Friday, November 27, 2015

Kailangan po natin ng P250 para sa costume ng mga bata na minsan lang nila isusuot sa buong buhay nila para sa palabas na 10 mins lang ang itatagal

Oh the fun of it all.


As a matter of fact, last month napilitan akong sumama sa isang “Fun” Walk na ginanap sa paaralan ng aking palamuning anak. Sapilitan kasi sino ba namang tanga ang gustong maglakad sa initan nang walang dahilan. Well actually may dahilan itong “Fun” Walk. Para maka paningil na naman ang paaralan sa bagay na walang kinalaman sa edukasyon. Para sa “Fun” Walk na ito kailangang bumili pa ng "Fun" Walk t-shirt. Maglalakad lang sa arawan kailangan pa ng bagong t-shirt? Fuck I’m so in. Anyway P120 yon. Tingin ko mga P70 lang ito kung tutuusin. Kaching.

Habang naglalakad sa “Fun” Walk na ito, naisip ko na magandang business nga naman talaga ang magtayo ng isang paaralan. Ganito lang ang math eh.

Sabihin mo nang ang sahod ng isang guro ay P30,000 kada buwan. Papasahurin mo siya ng labindalawang buwan plus 13th month. So kailangan mo lang talaga ay 13 estudyante na sisingilin mo ng P30,000 per year sa tuition fee. Gawin nating ang isang section may 25 na estudyante, o e di may pera ka na para sa operating expense. Gawin na rin nating may morning and afternoon sections. Kaching.

Tapos i-require mo pang bumili ng "Fun" Walk t-shirt.

Kaching.

Monday, November 16, 2015

Holiday Shopping S08E02

Ang sarap pa ng utot ko habang namimili ng Ben10 na bag, nasa likod ko pala si Ms. Saleslady.

End.

Friday, November 6, 2015

Google: From the root word ogle.

Kanina may nakasabay akong maganda sa jeep. Tapos tinitigan ko siya ng matindi para 'pag napalingon siya sa direksyon ko, straight-up eye contact. Pagdating sa Robinson's Novaliches bigla siyang napangiti tapos pumara. Naghihintay na pala doon yung boyfriend niya.

What a betch.

Tuesday, October 27, 2015

He will wipe every tear from their eyes. There will be no more death or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away. - Revelation 21:4

Eh putangina beast mode ako. Nitong linggo naisipan ng papansin kong  kuko sa hinlalaking daliri sa paa na humabol sa pyesta ng mga patay. Kaya ayun, nag suicide sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa solid na pinto ng cabinet.

RIP Mofo.

Pero kung meron mang magandang naidulot ang lahat ng kaganapan na ito, ay yung hindi na halata na madumi yung kuko ko. Itim na lahat eh.

Thursday, October 22, 2015

Tapos nanalo pa ako sa raffle ng gift basket na puno ng shampoo.

Kahapon sa aming team townhall, naparangalan ako for “Exemplary Performance” .

Ladies and Gentlemen, na master ko na ang “Kunwari Busy Kahit Walang Ginagawa” technique.
Suck it bitches.

Suck. It.

Friday, October 2, 2015

Pro Tip #221

Mag-iwan ng Pagkain sa Office Locker

Kung may office locker ka sa iyong sakahan, marapat na mag-iwan ka ng pagkain paminsan-minsan sa loob nito. Isipin mo, pauwi ka na sa isang araw na puno ng stress tapos pagbukas mo ng locker mo may isang bar ng chocolate. Tapos kakainin mo habang naghihintay ng UV Express na ang tagal dumating dahil traffic sa QC Circle dahil umambon at bumaha na naman sa Philcoa. Kahit papaano natanggal stress mo. O kaya naman pag pasok mo galing sa napakinit at siksikang MRT na kalahating oras bago ka pa man nakasakay at yung katapat mo pa lalaking naka sando na nakakapit sa handrail, pero pagbukas mo ng locker nandon pa yung dinuguan na baon nung Thursday na Monday mo na nabalikan dahil long weekend. Ang sarap sa feeling di ba. 

Kaya yon pro tip, mag-iwan ng pagkain sa office locker for a pleasant surprise.

Monday, September 28, 2015

The cake looked like a homespun masterpiece. It was fluffy as a pillow, toasty brown, and shot through with plum-colored swirls.

iHop Tocino 6S Plus


Subject: iHop Fairview Terraces Station

Nabiyayaan na kami ng Diyos. Sa unang pagkakataon ang munting bayan ng Pasong Putik sa bulubundukin ng Novaliches ay naabot na rin ng iHop. Dahil dito hindi na kami matatawag na taga-tribo.

Gaya ng lahat ng produckto ng Apple®, ang iHop ay pinangungunahan ng tinatawag nating “brand recognition”, kung saan kahit overpriced, at alam mong overpriced ang iyong bibilhin, bibili ka pa rin kasi syempre Apple® product yan eh. So as expected medyo mas mahal sa iba ang pagkain sa iHop. Ito ay sa kadahilanang kahit binating itlog lang yan, nabasbasan naman yan ni Steve Jobs®. Pero dahil yung manager pala ng iHop Fairview Terraces Station ay kaklase dati ng babaeng katabi ko matulog, nakakuha kami ng LIBRENG platter ng onion rings, chicken strips, mozarella sticks, juice at may kasama pang ice cream para sa dessert. At dahil dyan masasabi ko na SULIT NA SULIT ANG PAGKAIN SA iHOP. GRABE BABALIK NGA AKO ULIT SA TAONG 2018!

Rating: Fuck yeah free food!

Tuesday, September 15, 2015

Mail Tiquette - A mini series

Kung ikaw ay isang ganap nang magsasaka, alam mo na 83.4% ng ginagawa mo ay ang pagbabasa at pagsagot sa email. Masaklap lang isipin na karamihan sa mga magsasaka ngayon ay hindi pa rin marunong ng mga tamang gawain ukol sa paggamit ng email.

1. Laging humingi ng  "Request a Read Recepit" - Kung outlook ang gamit niyo makikita mo yan sa Options tab. Gawin mo itong default para malaman ng kasakahan mo na wala siyang palusot na hindi niya nabasa ang pinadala mong email. Ito ang katumbas ng Facebook Seen ng mga kabataan. Padalhan mo siya ng email kada 10 minuto hanggat wala kang natatanggap na Read Receipt.



Sinasabi nito na mahalaga ang email ko tungkol sa isang article sa Buzzfeed.

2. Gamitin ang "Use Voting Buttons" - Madalas yung pinapadalahan mo ng email may mga saloobin na hindi nila masabi sa iyo ng harapan. Pagkakataon na nila na mailabas  ito sa pamamagitan ng Voting Buttons sa email. Pwede mong gawing choices yung "Fans ako ni James Reed"; "Fans ako ni Dingdong Dantes. O kaya "I'll have sex with you tonight"; "I'll have sex with you tomorrow". Point is, the possibilities are endless.



Sinasabi nito na may opinyon ka. Kahit na pa gusto mong maging presidente si Bongbong Marcos.



3. Ugaliing gumamit ng CC field - Halimbawa may papadalhan ka ng email, tapos kilala mo yung mga katabi niya sa cubicle, isama mo sila sa CC. Para kung sakaling hindi kaagad mabasa ng papadalhan mo yung email, pwedeng sabihin ng mga katabi nila na, "Uy pre, may email sa iyo si Romy baka gusto mong sagutin." Mahalaga rin na gamitin mo ito kung may sub-team email sila. Kunwari may ginawa siyang mali, i-CC mo ang sub-team email nila para malaman ng buong team ang kanyang pagkakamali sa gayon hindi na nila ito gagayahin.

Sinasabi nito na sama-sama tayong lahat sa hirap o ginhawa. 



Friday, September 11, 2015

Breakfast at Tiffany's

Kahapon niyaya ako ng mga kapwa ko magsasaka kumain sa Pedro 'N Col. Napanood kasi nung isa sa KrisTV na pagmamayari o co-owner si Shamcey 'Sup 'sup ng restaurant. Sumama naman ako, syempre pagsinabi ni Kris na masarap... plus may Col sa dulo so. Good things end with col.

Okay naman ang pagkain lalo na yung kamote nila. Kaso nga lang yung oras na para maghatian sa bayad nalungkot ako dahil katumabas nang apat na araw na lunch yung halaga ng kinain ko sa Col.

Tapos tinae ko lang naman kanina. Eh di sana apat na araw na kataehan ang katumbas non.

Saturday, August 29, 2015

Facebook

"Hi guys! Tingnan niyo yung bayag ko ang laki...".
"Aba oo nga. Himasin ko para malaman mong na-appreciate ko yung bayag mo."
"Guys ako rin tingnan niyo yung bayag ko, malaki rin!"
"WOW! SIGE MAGHIMASAN TAYO NG BAYAG PARA MAGKAROON NG DAHILAN 'TONG BUHAY NATIN!"






"Guys share ko lang pag-uminom kayo ng tubig na nilagyan ng Joy dishwashing soap with lemon scent, mababawasan kayo ng .32 calories.


Friday, August 28, 2015

Monday, August 10, 2015

Lost In Love and I don't know much was I thinking aloud and fell out of touch?

Kahapon habang nagma-malling ako mag-isa may nakita akong mag-ama na namamasyal din. Napansin ko lang na magkatali sila sa galanggalangan. Sa totoo lang nawe-weirduhan ako pagnakakita ng mga ganitong eksana na para bang may alaga ka lang aso na dinala sa mall at hindi tao ang kasama mo. Sa aking palagay, kung hindi naman niya pala kayang mag-alaga at natatakot siya na baka mawala sa mall yung kasama niya, eh di sana hindi na lang niya dinala sa mall!

Dahil kung mawala man ang tatay niya, isa lang ibig sabihin no’n, hindi siya responsableng anak.

Wednesday, August 5, 2015

Too much information; did not read.

Where: Conference Room 7.4
When: 08-05-2015 17:43H

Female Farmer 1: Pa check up nga ako bukas dahil may bleeding at ang sakit pag umihi.
Female Farmer 2: Baka UTI lang yan.
Female Farmer 1: Sana. Gagamitan nga raw ako ng telescope.

End.

Tuesday, August 4, 2015

Kay Binay makikita ang pag-asa ng bayan

Where: Pantry
When: 08-04-2015 13:49:00H
Who: Farmer 1 and Farmer 2.

Farmer 1: Puta. May Napoleonic Complex talaga tong si Binay.
Farmer 2: Ano yan manghuhula?
Farmer 1: Nostradamus yun gagu.


End.

Monday, August 3, 2015

Everyone's going around to Jack's this weekend for a barbie, it's byo mate.

Sizzling Roo

Subject: Kangaroo Jack from down under SM Fairview 

Pagpasok na pagpasok ko pa lang umorder na kaagad ako ng 2 kangaroo. Sabi ko yung pre -pubescent pa lang para tender ang karne. Ayun pala wala naman silang kangaroo sa menu. Well, fair suck of the sav mate! Kaya umorder na lang ako ng OZ Nilagang Baka in Sizzling Plate. Outback na outback ang dating. Medyo dry as a dead dingo's donger nga lang ang karne. Crikey!

G'day mate. G'day...

Rating: B for boomerang.

Friday, July 3, 2015

Kahit pwet mo huhugasan ko

Laking issue sa ibang tao yung balitang pinaghuhugas ni Dingdong ng plato si Marian. Kesyo hindi naman daw ito balita, sila rin naman nag huhugas ng plato. O mga tipong ano bang espesyal kay Marian at Dingdong at masmahalaga pang balita ito kaysa mga nangyayari sa bansa natin.

Ang masasabi ko naman ay, potah si Dingding ito eh, pinaghuhugas si Marian. Dingdong. Isipin niyo Dingdong. Ding. Dong. Pinaghuhugas si Marian. Matanong kita, ikaw ba ipaghuhugas niyo ng kutsara ang kasambahay mo? Hindi. Pwera na lang kung kasing ganda ni Marian. So anong gusto kong palabasin? Wala.

Friday, June 26, 2015

Open Letter No. 4

Dear Tae,

Ang tagal kitang hinintay pero 'di ka dumating.

Pinaasa mo lang ako.

Tapos, kung kailan paalis na ako saka ka magpaparamdam.

Tae ka talaga.

Frustrated,
Romy D.

Monday, June 8, 2015

This employee worked 50hrs this past week... what happened next will shock you!

To: Client Delivery Manager
From: Romy Diaz
Subject: Request for Leave
Inclusive dates: June 15-19, 2015
Leave request reason: Used shaving cream as body spray.

Thursday, May 14, 2015

Thanksful

Nagpapasalamat ako sa mga porn, spam, at iba pang trojan/virus infested sites na patuloy na naglilink at bumibisita sa site na ito. Kung hindi dahil sa inyo tinigil ko na itong makabuluhang gawin ko. I heart you guys.

Sunday, April 26, 2015

Manila Exposed 2

Last holiday* naisip namin na dumalaw sa Manila Zoo dahil wala kaming ibang maisip na gawin. Gusto ko rin malaman kung may pinagbago ba ang zoo mula sa huli naming punta. Gusto ko sanang i-link dito yung blog post ko nung last dalaw namin, kaso binura ko na. Fuck.

Anyway, masaya kong ipinamamalita na ganon pa rin ang Manila Zoo, pag pasok mo amoy tae ng kambing. Same old, same old.

Pwet ng elepante

Pwet ng leon na partially kita ang bayag

Pwet ng unggoy na nakikipag-69


Pwet ng musang kaso blurred kasi amateur video

*hindi ko matandaan kung Holy Week ba o Araw ng Kagitingan o Christmas, basta walang pasok.

Wednesday, April 22, 2015

Jam Sebastian’s mom accuses Mich Liggayu of pocketing son’s money

Nung pumunta ako doon, nandun 'yung aircon, [na] kay Jam din, wala 'yung remote, dinala nila 'yung remote. - Jam Mother

Scavengers are a type of consumer, just as carnivores are. The primary difference between the two groups is that carnivores typically hunt and kill their prey, while scavengers eat dead or nearly dead prey. Sometimes, scavengers subsist on food that carnivores killed. However, some scavengers, such as some insects, consume dead plants instead.
Scavengers often have adaptations that aid their scavenging habits. For example, coyotes and foxes have a strong sense of smell, which helps them to locate carcasses. Vultures have a strong sense of smell, which is a rare trait among other bird species. Vultures have also evolved into bald creatures, which helps them to stay clean while inserting their heads into dead animals. Even sedentary animals are capable of traveling efficiently over long distances to increase their chances of detecting food.

Scavengers play an important role in desert ecosystems. By eating dead organisms, they help to recycle the minerals in their bodies back into the ecosystem.

Monday, April 13, 2015

I see the light shining in your eyes

A picture can paint a thousand words.

Backpain's back alright!

Thursday, March 26, 2015

Piquant to the tongue and delectably rank.

Sepia para artsy. Saka ang labo rin ng kuha ng phone.


Subject: Pancake House Fairview Terraces Brotherhood

Kaya naging Pancake House ang Pancake House ay dahil sa Pan Fried Chicken nila. Kaya nga Pan 'di ba? At dahil dyan, syempre yon ang inorder ko.

Yung high school ako, may kinakainan kami sa UP Diliman. Doon sa may Kamia Residence Hall. Madalas din kami dito kasi masarap yung gravy nila. So gagawin namin magha-hahati kami sa isa o dalawang breaded porkchop(depende kung 4 o 8 ang kakain) tapos bubuhusan lang namin ng maraming gravy yung mga kanin. Solb. Pipty pesos lang kasi yung baon ko non, kasama pa pamasahe. Tapos pang rugby pa.

Anyway, hindi ko sinasabi na ganon kasarap ang gravy ng Pancake House.

Rating: Sad, para sa waiter na nakalaglag ng plato.

Friday, March 20, 2015

Parang kailan lang, mga pangarap ko'y tila'y kay hirap abutin

In celebration sa isang taon ko nang "pagboblog", minabuti kong ayusin ng kaunti ang mumunting lugar na ito. Malamang napansin niyo na rin yung pag-babago. Mula #856300 ang background, ginawa ko nang #826100.

Thursday, March 19, 2015

SM Fairview - Quiapo via Puso Mo

Sulit na cornik pa!

Anong motibasyon ng ad na ito?
Bakit yung lalaki naka topless?
Bakit yung babae naka uniform?
Ano ang kinalaman ng Sulit cornik sa lahat ng kaganapan na ito?

Limit your answer to 300wpm.
Go.

Tuesday, March 3, 2015

Manila Yacht Club

Tuwing bibili ako ng bagong brip, laging sasabihin ng babaeng katabi ko matulog, “O bibili ka nanaman ng bagong brip. Sino nanaman pinupormahan mo!?”

Sorry naman, hiyang-hiya na kasi yung bacon sa brip ko.

Monday, February 23, 2015

Baka matindi lang talaga tama ng anestisya

Facebook status ng bagong panganak:

"The pain is worth the wait..."

End.

Tuesday, February 17, 2015

Gusto mong tampalin kita ng 284.47 points?

Sigurado lahat tayo natanong na kung may SM Advantage card. Matagal din ako nag pumigil kumuha niyan, kaso dumating sa point na gusto ko nang manakit ng cashier.
Recently lang na upgrade yung Advantage card ko to Take Advantage card. Hahahaha. Fuck you...
Prestige Card na siya ngayon. Like, FUCK OFF BITCHES, DITO AKO SA CASHIER FOR THE PRIVILEGED. Tapos mahaba pa rin naman pila. Potah naging Prestihiyoso pa ako.

Pagmasdan Figure A.




  1. Nakagastos na ako sa SM We Got It All For You ng P69,210.99. Saan napunta yon? Saka saan ako kumuha ng ganong pera?
  2. May points ako na 284.47. Bale katumbas yan ng P284.47. Wow. Ang laki.
  3. Seryoso saan napunta yung ginastos ko sa SM We Got It All For You?

Tapos last week lang, nakita ko ang tunay na halaga ng Prestiged Card. Meron pala sa  SM We Got It All For You SM Fairview Chapter yung tinatawag nilang Prestiged Lounge. Dito sa Prestiged Lounge pwede kang makisalamuha sa mga kapwa mo Prestihiyoso na gumagastos ng P69,210.99. Hallelujah. Hindi ko na kailangan tumambay lagi sa food court na may dalang isang isang litrong RC at malaking Tortillos. Sa Prestiged Lounge pwede kang humingi ng juice o kape. Tapos libreng wifi pa. Pwede kang mag basa ng mga magazine o dyaryo habang nagkukunwaring may P69,210.99.
Pero higit sa lahat guys maganda ang CR. Pwedeng pwede kang tumae na may peace of mind. Prestihiyoso talaga.




Thursday, January 29, 2015

Pagbinunot ko yang kuko mo, mawawala yang nararamdaman mo

At isa na namang bagay ang nagbalik sa akin sa realidad na hindi na kayo bumabata. Isang paa niyo nasa hukay na. Napaglipasan na kayo ng panahon. Best before 02/09/11.

Ngayong umaga lang nadisgrasya ko yung likod ko, in other words fooled back muscle strain. Peste nakakapilipit ang sakit. Gusto kong sabihin na nangyari ito dahil sa sobrang sex, pero ang katotohanan ay inaabot ko yung tabo sa ilalim ng balde.

Fuck you Kobe and your torn rotator cough, this is pain.

Friday, January 23, 2015

Taken 3: An In-Deep Review Highlighting Progressive-Assertive Functionalities In Software Development

Kung minamalas ka nga naman minamalas ka talaga. Biro mo namatay na nga yung ex-wife mo, ikaw ang na frame up, tapos yung may sala pa yung current asawa ng ex-wife mo. Matatanong mo talaga sa Diyos na, “Bakit!? Bakit ako pa?” Para may Part 3 gago.

Friday, January 16, 2015

Isang bagay na mapagmamalaki ni Daniel Padilla

Malamang ganito ang nangyaring eksena:

Manager ni Kathryn Bernardo Bernardo: Paano pa ba natin maexploit yung kakyutan ni Katkat?
Producer Sa Kung Saan Man: Gawan kaya natin siya ng music video?
Manager: Ayos. Solb! Kaso anong kanta?
Producer: Edi gawan natin siya ng kakanta?
Manger: Sinong kakanta, si Katkat? Marunong ba siya?
Producer: Requirement ba yon?
Manager: Point.
Producer: Fuck this. Gawin na nating album!
Manager: *high five.



Kung ginawa na lang sanang lahat "La la la la" itong kantang ito, malamang mas 4.2x pang mas gumanda.


You Don't Know Me 
by Bernardo, Bernardo, Kathryn


You don't know Me
You don't know Me
You were there but you didn't know me
Said you care but you were busy
Filling rooms w/ your harsh light
That I always found
Oh so gloomy!
Your way w/ words how they threw me
Into spirals
Into riddles
Into mazes
I thought I wanted to explore

La la la la la la
La la la
La la la la la

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

You don't know Me
Still don't know Me

Never bothered climbing walls
Feel demolished even though
You never got that far at
All over the place
Are you and I
All over this phase
Are you and I

You take left and i'll take right
Baby i'll see ya on the other side

La la la la la la
La la la
La la la la la

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

La la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la

You don't know Me
Still don't know Me

Guess you'll never really know me
It's too bad cause really baby
It's your loss after all

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford.