Wednesday, December 10, 2014

Delectable in lightness yet surprisingly unpalatable to my ass


Subject: Razon's of SM Fairview

Minsan isang araw namimili ako sa menu ng Razon's sa pagitan ng sisig at lechon kawali. Tinanong ko sa kasama ko kung alin ang mas nakakamatay. Sabi niya yung lechon kawali daw. Kaya yon ang binili ko. Huli ko na naalala na mahina na pala ang panunaw ko. Tapos yung taba ng baboy lumutang lutang lang sa tyan ko. Tapos yung ulo ko parang bumigat na parang nawalan ng dugo na hindi ko mapaliwanag. True story.

Anyway, alam naman nating lahat na ang Razon's of SM Fairview ay sikat dahil sa kanilang halo. Napaka-polarizing yang halo na yan. May mga taong sarap na sarap sa halo ng Razon's of SM Fairview. At yung ibang tao suklam na suklam naman. Kasi nga nag hahanap sila ng pangalawang halo. Kaso halo lang talaga sa Razon's of SM Fairview anong magagawa mo 'di ba? Doon ka sa Chowking kung gusto mo.

Rating: A+ for near death experience.