Thursday, November 20, 2014

Oh, the humanity and all the passengers screaming around here.

Proud akong sabihin na maliban sa erectile dysfunction, wala pa talaga akong nararamdamang physical na kahinaan sa kabila ng edad kong sisyenta y tres kapitulo kwatro bersikulo bente tres hanggang trenta. Subalit napansin ko talaga na nagiging lakwatsero na ang utak ko. Laging absent.

Pinaka ebidensya dito ay yung madalas, as in madalas ako nasusurpresa na bukas pala yung zipper ko. Mapa-shorts, maong pants, khakis, jumper… walang pinipili. Sarap ng lakad ko tapos boom, bukas pala zipper ko. After ng team meeting, bukas pala zipper ko. Dinner sa SM We Got It All For You foodcourt, bukas pala zipper ko. Mga 3 beses ko nang nahuli ang zipper kong bukas habang bumabyahe mula Fariview hanggang Taguig. Ang kagandahan pa nito, hindi ko matandaan kung kailan bumukas yung zipper ko. Kung pagkasuot pa lang ba ng salawal ko? O umihi ba ako tapos hindi ko nasara? Wala akong idea.

Pero sa ngayon tinitingnan ko na lang ito na isang blessing. Kumbaga, at least laging ready. Kung saan man siya ready, hindi ko alam because erectile dysfunction.