Sunday, November 9, 2014

Black and White Challenge

Alam niyo yung pag may na uuso na list your 10 best/favorite/recommended something something then tag 10 people?
Hindi ako nata-tag sa ganon.
Suplado daw kasi ako.
Well, fuck you. Ita-tag ko sarili ko.

List 5 of the Most Memorable Films You've Watched. Tagging Mr. Diaz.

Okay!

In no particular order:

1.) Jurassic Park - Memorable ito kasi ito yung unang pelikula na nakipag make-out ako sa soon to be syota ko. Oo late bloomer ako, 47 years old na ako nung unang nagka-syota. I'm choosy like that.

2.) Babewatch - Memorable ito kasi ito yung unang video na pinanood ng batch namin ng sama-sama. Bonding kumbaga. Pinanood namin ito sa bahay ng kaklase namin na yung nanay niya eh Science teacher namin nung high school. Introducing nga pala dito ang Academy Award winner na si Asia Carrera.

3.) Basic Instict - Ito yung unang ni-rent namin ng mga pinsan ko na VHS na Rated R. Ang style pa namin noon hihiram muna kami ng mga wholesome na pelikula gaya ng Karate Kid, Home Alone sabay turo don sa mga Rated R na pelikula. Yung acting skills ni Sharon Stone forever engraved na sa utak ko.

4.) Ekis - Memorable ito kasi ito yung pelikulang pinapanood namin nang nailawan kami ng mahiwagang flashlight habang nagkakapaan. EH SA MADILIM SA SINEHAN! Hindi ko makita yung popcorn ano ba! Ganon pala feeling ng nare-raid. Lalabas ka ng sinehan na nakayuko at nagmamadali sa paglakad.

5.) Bambi - Memorable ito kasi ito yung unang pelikulang pinanood ko kasama ang tatay ko.