Wednesday, November 26, 2014

Ballsacking with the Binays

Ayoko naman manghusga kaagad ng isang bagay na hindi ko pa naman nasubukan. Sabi nga eh, 'Don't judge lest thou judgest thyself'. Kaya nung makita ko na may palabas na kinopya sa Keeping Up With the Kardashians, hindi ko muna hinusgahan. Datapwat pinanonood ko na munang mabuti. Yung mga patalastas.


  • Pakialamerang nanay? Check
  • Walang pakialam na tatay? Check
  • Anak na babae na mommy na rin na kung umasta eh kala mo dyosa ng kagubatan? Check
  • Papansin na manugang? Check
  • Anak na bading? Check
  • Dialogue na hindi scripted? Check


Napabilib ako. Talagang nakuha nila yung essence ng pinagbasehan nilang palabas. And truly, it takes gutz to watch a Gutierrez.

Now showing on E - Channel 207 sa SkyCable. Where you belong.