Tuesday, October 7, 2014

Who the fuck is Nadine Lustre

Minsan habang nasa SM Fairview We Got It All For You, may narinig akong dumadagundongdong na tunog. Yun pala sigawan lang ng mga audience ng isang mall show na pinangungunaha ni Nadine Lustre at nung lalaking James Read. Gusto ko sana panoorin para makita ko naman si Nadine Lustre, kaso may bitbit akong Jollibee burger steak na kailangan ko na iuwi at kainin, so priorities. Since bihira naman ako manood ng local television, at mga pelikula lang ni Sarah Geronimo ang pinapanood ko, wala akong kaalam-alam kung sino talaga si Nadine Lustre at bakit ang dami niyang fans. Subalit datapwa't, kamakailan lang may nakita akong article sa Candymag* tungkol sa kanya. At dahil dito, nalaman ko na isa pala siyang style icon. Kung ano mang ibig sabihin no'n hindi ko alam basta maniwala na lang tayo.


Tuhod ni Nadine Lustre, the style icon, as seen from her Instagram account.

Curiosity satisfied.


* 'Wag niyo na itanong kung anong ginagawa ko sa Candymag site.