Friday, October 17, 2014

Decadent Yet Surprisingly Vomit Inducing

Kung tatanungin ka anong una mong maiisip pag sinabing ang pangalan ng blog ay "Dear Diarya"? Tama. Isang food blog. Yun talaga dapat ang niche ko, ang pagiging isang foodie. Kaso yung mga unang 3 taon ng blog na ito puro pagkain lang ni manang ang nakakain ko. So twice a week mafe-feature ang menudo. Tapos tuwing Biyernes ang feature munggo. Sa ngayon nakakakain na ako sa mga iba't ibang kainan. Mga kainan sa loob ng SM Fairview. Kaya naisipan ko na ibalik muli ang unang adhikain ng blog na ito at yun ang magpost ng tungkol sa pagkain. At least once every 3 years.


Subject: Taipan Grill

Since may "grill" sa pangalang Taipan Grill, naisip ko na malamang ang specialty nila ay mga grilled na pagkain. Kaya umorder ako ng breaded pork chop (not in picture). Kung may kasabihan tayo na "Don't judge a book by its cover", ganon din wag mo i-judge ang pork chop nila sa breading. O sa sauce. O sa lasa. Anyway sa halagang P80+ something, mabubusog ka na rin. Malungkot pero busog. Two Thumbs Up.

Rating: DOA

ps. Sarado na nga pala yung Taipan Grill, mahigit isang taon na yata.