Thursday, September 25, 2014

Tuwad. Buka.

Dahil nalalapit na naman ang ANNPHYEXA (ANNual PHYsical EXAmination) ng aming sakahan, napagdesisyunan ko na mag crash healthy living. Baka sa pagkakataon naman na ito pumasa yung blood pressure ko, Lagi kasing 70/100, hindi man lang maka 75.

Nilista ko ang mga ilang bagay na susubukan kung tuparin sa susunod na isang buwan at kalahati.


  • Bawasan ang pagkain ng junkfood food. – Madalas kasi kinukuha ko yung baon ng palamunin kong anak.
  • Umiwas sa mga fastfood food. – Dito sa sakahan namin, sa kaliwa McDo. Sa kanan, Jollibee. Sa gitna, Edsa. No choice.
  • Bawasan ang pag-kape. – Maliban na lang kung Starbucks. Hindi masama sa kalusugan ang kape sa Starbucks. O Coffeebean.
  • Iwasan ang unprotected sex. – Joke. Lagi akong may dalang condom. Unless nakalimutan ko.
  • More fruits and vegetables. – Puro fruit-flavored ice cream na lang bibilhin ko.
  • Exercise. – Asa.