Monday, September 8, 2014

Due to an upset stomach

Minsan* talaga may mga panahon na tamad na tamad kang pumasok. Kaso ang problema pahirapan magpaalam ng vacation leave. Sa mga ganitong pagkakakataon kailangan mo mag file ng “sick” leave. Sa mga baguhan pa lang sa industriya ito yung ilang tips na maari kong ibahagi sa ikauunlad ng bansa

  • Huwag makipag-inuman sa manager mo kinagabihan bago ka mag file ng sick leave. For obvious reasons. Pero one time nga dahil nandon na rin siya, sinabi ko na rin na kinabukasan ay naka sick leave ako. Pumayag naman siya dahil siya naman ang nagyaya. Use with caution.
Pag naghulog ka ng asterisk, yung susunod na gagamit magtatae ng fireworks.

  • Sa araw bago ka mag sick leave umpisahan mo nang umubo-ubo  saka suminghot-singhot. Gumamit ng raspy voice sa lahat ng kausap. I-condition na ang mga kapwa mo magsasaka na magkakasakit ka. Kung may mga minor kang nararamadaman sa iyong katawan, exagerate mo lang. Ako kasi erectile dysfuntion lang ang meron kaya medyo palaisipan kung paano gawing masmalala..
  • Kung nag sick leave ka na nga, siguraduhin naman na hindi ka mabubuko. Minsan, may sale sa SM kaya nagleave ako para makabili ng mga bagong brip na may 20% discount. Nakalimutan ko na don nga pala sumasakay yung isa kong ka team. Yung nagkasalubong kami sinabi ko na lang na magpapacheck up ako sa Medical City. Since ayoko naman magsinungaling, nagpacheck up na lang din ako. 
Masarap yung Hamburger Burger nila, promise. Parang Burger Hamburger.


*Araw-araw, maliban ang Friday kasi iinom.