Thursday, September 25, 2014

Tuwad. Buka.

Dahil nalalapit na naman ang ANNPHYEXA (ANNual PHYsical EXAmination) ng aming sakahan, napagdesisyunan ko na mag crash healthy living. Baka sa pagkakataon naman na ito pumasa yung blood pressure ko, Lagi kasing 70/100, hindi man lang maka 75.

Nilista ko ang mga ilang bagay na susubukan kung tuparin sa susunod na isang buwan at kalahati.


  • Bawasan ang pagkain ng junkfood food. – Madalas kasi kinukuha ko yung baon ng palamunin kong anak.
  • Umiwas sa mga fastfood food. – Dito sa sakahan namin, sa kaliwa McDo. Sa kanan, Jollibee. Sa gitna, Edsa. No choice.
  • Bawasan ang pag-kape. – Maliban na lang kung Starbucks. Hindi masama sa kalusugan ang kape sa Starbucks. O Coffeebean.
  • Iwasan ang unprotected sex. – Joke. Lagi akong may dalang condom. Unless nakalimutan ko.
  • More fruits and vegetables. – Puro fruit-flavored ice cream na lang bibilhin ko.
  • Exercise. – Asa.


Tuesday, September 16, 2014

Guardians of the Galaxy: In-Deep Review with Cannonized Analysis

Last month narinig ko doon sa katabi ko sa AUV.

"Natatawa ako don sa I am Groots."

end.

Thursday, September 11, 2014

Sparkly Sparkly Bling Bling

Dear Billy Joe,

Nabalitaan ko nung nakaraang araw na may "mischief" kang ginawa habang lasing ka. At sa lahat naman ng pupuntahan mo sa istasyon pa ng pulis. Yung mga parehong pulis na walang kaalam-alam kung may nangyayaring krimen sa tapat nila. Matalino.

“It was my fault for actually being aggressive. It’s a good thing it didn’t happen in a bar, it didn’t happen anywhere else. It happened in a precinct. The reason why is because I knew for a fact I needed to be in a controlled environment. So as I said, I really apologize to the officers if I said anything derogatory or anything else,” Crawford said, adding he went to the police station because he was “stressed out by certain situations.”
Alam mo Billy Joe, naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo. Hindi man ako maka-empathize at least sympathize siguro. Pagsuotin ka ba naman ng ganito nung kabataan mo eh.

For the nth time, gagamitin ko itong litratong ito.


Anyway, sana alagaan mo sarili mo. Lalo na't maraming taong nagmamahal sa iyo. Pati na rin na yung babae na lagi mong kasama. Yung nandon sa show niyo na may hawak na mic. Hawak lang.

Group hug.

Monday, September 8, 2014

Due to an upset stomach

Minsan* talaga may mga panahon na tamad na tamad kang pumasok. Kaso ang problema pahirapan magpaalam ng vacation leave. Sa mga ganitong pagkakakataon kailangan mo mag file ng “sick” leave. Sa mga baguhan pa lang sa industriya ito yung ilang tips na maari kong ibahagi sa ikauunlad ng bansa

  • Huwag makipag-inuman sa manager mo kinagabihan bago ka mag file ng sick leave. For obvious reasons. Pero one time nga dahil nandon na rin siya, sinabi ko na rin na kinabukasan ay naka sick leave ako. Pumayag naman siya dahil siya naman ang nagyaya. Use with caution.
Pag naghulog ka ng asterisk, yung susunod na gagamit magtatae ng fireworks.

  • Sa araw bago ka mag sick leave umpisahan mo nang umubo-ubo  saka suminghot-singhot. Gumamit ng raspy voice sa lahat ng kausap. I-condition na ang mga kapwa mo magsasaka na magkakasakit ka. Kung may mga minor kang nararamadaman sa iyong katawan, exagerate mo lang. Ako kasi erectile dysfuntion lang ang meron kaya medyo palaisipan kung paano gawing masmalala..
  • Kung nag sick leave ka na nga, siguraduhin naman na hindi ka mabubuko. Minsan, may sale sa SM kaya nagleave ako para makabili ng mga bagong brip na may 20% discount. Nakalimutan ko na don nga pala sumasakay yung isa kong ka team. Yung nagkasalubong kami sinabi ko na lang na magpapacheck up ako sa Medical City. Since ayoko naman magsinungaling, nagpacheck up na lang din ako. 
Masarap yung Hamburger Burger nila, promise. Parang Burger Hamburger.


*Araw-araw, maliban ang Friday kasi iinom.