Tuesday, August 5, 2014

Way Back Machine

Dear Diarya,

Minsan malalagay ka sa sitwasyon kung saan pagpasok mo ng office CR niyo maamoy mo na may kakatapos lang magjebs. Meron kasing ganoon klaseng jebs' odor na sobrang dense na kahit may exhaust fan, hindi pa rin maalis-alis. Parang gumagapang-gapang lang sa sahig. Pagganito ang sitwasyon, kahit ihing-ihi ka pa, ay lumabas ka na kaagad. Dahil pagnagkataon at may gagamit na kasunod mo at ikaw ang nakitang kalalabas lang, siguradong ikaw ang pag-iisipan na jumebs doon.

Lingering,
Loverboy A