Wednesday, August 27, 2014

Primetime

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang dami nilang pina audition tapos sa huli yung celebrity "talent" din naman nila ang papanalunin. Alam naman natin na joke lang yung text voting hahaha. Pandagdag kita lang yon. Pero kawawa naman din yung mga "ordinaryong" tao na sumali di ba? Madami-dami ding panlalait ang inabot nila. Ang gusto ko sana talaga manalo yung ano, may number ang pangalan, si Fourthy ba yon? Kawawa naman kasi, number na nga lang pangalan niya tapos natanggal pa. Tsk. Napaka loser. Anyway, nagkadayaan man o hindi, ang panalo, panalo. So congrats na rin kay Daniel. Tunay nga nasa iyo na.

Daniel - Pinoy Peanut Butter (PPB) grand winner.

Friday, August 22, 2014

Vision of Love

Mas masaya sana ang mundo kung:

1. Isang breded na asong sosyal na sa mall pa pina-groom ay biglang tumae sa gitna ng foodcourt.
2. Sa isang concert sumabay yung audience sa kanta tapos biglang sisigaw yung bokalista ng "Potah kayo ba ang nag co-concert o ako?!"
3. Umamin na si Piolo na bading siya.
4. Itigil ko na itong pinag-gagagawa ko.

Tuesday, August 5, 2014

Way Back Machine

Dear Diarya,

Minsan malalagay ka sa sitwasyon kung saan pagpasok mo ng office CR niyo maamoy mo na may kakatapos lang magjebs. Meron kasing ganoon klaseng jebs' odor na sobrang dense na kahit may exhaust fan, hindi pa rin maalis-alis. Parang gumagapang-gapang lang sa sahig. Pagganito ang sitwasyon, kahit ihing-ihi ka pa, ay lumabas ka na kaagad. Dahil pagnagkataon at may gagamit na kasunod mo at ikaw ang nakitang kalalabas lang, siguradong ikaw ang pag-iisipan na jumebs doon.

Lingering,
Loverboy A

Monday, August 4, 2014

Matter

Kanina naka sabay ko sa CR yung African-American namin na kasakahan. Kaya doon ako sa pinakadulong urinal umihi.