Friday, May 23, 2014

Umiisla

Ang kagandahan ng mga corporate team building ma'am, sir, ay yung makakapaglasing ka nang boss mo ang magbabayad ng lahat. Survey lang, sino ba talaga ang nagkaroon ng masmagandang relasyon sa kapwa magsasaka dahil dyan sa team building na yan? Kung naging close man kayo ay dahil lang yan sa puro kayo lasing. Pag wala nang amats, pwede na ulit mang backstab hahaha.

Pero maganda talagang oportunidad ang team building activities para maka tsansing ka sa mga magaganda mong kasakahan, na madalas hindi ka pinapansin dahil amoy araw ka pagpasok.

Anyway, last week yung mother team namin nag team building sa Cavite. Bale 2pm to 6pm ang various "exercises to enhance camaraderie, teamwork and world peace amongst individual contributors".
Kami, nag-inom sa pala-isdaan.


Thank you multinational corporate gods.