Thursday, May 29, 2014

Di ko rin naman sasabihin

Kanina sa AUV, basa yung kili-kili ng katabi ko.
'Wag mo ng alamin kung paano ko nalaman.

Friday, May 23, 2014

Umiisla

Ang kagandahan ng mga corporate team building ma'am, sir, ay yung makakapaglasing ka nang boss mo ang magbabayad ng lahat. Survey lang, sino ba talaga ang nagkaroon ng masmagandang relasyon sa kapwa magsasaka dahil dyan sa team building na yan? Kung naging close man kayo ay dahil lang yan sa puro kayo lasing. Pag wala nang amats, pwede na ulit mang backstab hahaha.

Pero maganda talagang oportunidad ang team building activities para maka tsansing ka sa mga magaganda mong kasakahan, na madalas hindi ka pinapansin dahil amoy araw ka pagpasok.

Anyway, last week yung mother team namin nag team building sa Cavite. Bale 2pm to 6pm ang various "exercises to enhance camaraderie, teamwork and world peace amongst individual contributors".
Kami, nag-inom sa pala-isdaan.


Thank you multinational corporate gods.

Saturday, May 17, 2014

Ang Pinagmulan

Sa tanda kong ito, ngayon ko lang na realize na ang puki pala ay ngongo ng pussy...

Racist.

Saturday, May 10, 2014

Parlor Games No. 3

  • Maghiwa ng luya na pa hugis pineapple chunks. 
  • Isahog sa pininyahang manok.
  • Ihain sa mga kamag-anak.

Thursday, May 8, 2014

Kitkat 4.4

Scene: Mang Inasal over halo-halo

Girl 1: Kaya kami nagpalagay na ng installation dahil sa sobrang init.
Girl 2: Anong klaseng installation?
Girl 1: Yung nilalatag sa kisame para hindi masyadong sumingaw yung init.

End.

Monday, May 5, 2014

Racket

Kung kilala niyo ako, alam niyong mahilig ako sa mga pekeng Reality TV. Kaya nung nalaman ko na may 24/7 channel pala yung Pinoy Big Brother All In and Out sa Sky Cable eh agad kong sinipat. Kanina ang problema nila yung toilet bowl na ayaw lumubog ang tae. Sobrang scripted.
Syempre binarahan talaga ng Channel 2 yung inidoro para magkaroon ng excitement sa bahay ni kuya. Pero feeling ko ang taeng hindi lumulubog na ito ay masmataas pa ang makukuhang rating kaysa sa palabas ni Marian na Carmella.