Wednesday, December 31, 2014

Para sa inyong tatlo


Thursday, December 18, 2014

Peace Yo

Alam niyo tuwing nakikita ko yung mga bata na nagtitinda ng mga parol sa daan naalala ko rin yung kapanganakan ni Hesus. Yung mga panahon na nagbibigayan ng regalo, nagpapalitan pa ng card, naku, doon mo mararamadaman na tunay ngang Pasko. Sabayan mo pa ng pagsindi ng mga ilaw ng Christmas tree, ewan ko lang kung hindi ma antig ang puso mo. Kahit nga ang kapaligiran tatahimik na parang walang alitan sa ano pa man bagay, kahit na ba di pagkakasundo ng relihiyon.

Naniniwala pa rin ako na ang mga dasal at mga kanta natin ay tunay na nagbubuklod ng ating samahan tungo sa pag-alala ng kapanakan ni Hesus. Parang yung pag-ibig niyang binigay nung unang kapaskuhan na ating inaalala. Kaya wag tayong magsawa na umawit ng mga awiting pangaroling hahaha.

Mag-awitan na lang tayo ng mga pamaskong awtin. At nawa wag natin kalimutan ang tunay na kahulagan nito; na ito ay patungkol sa pag-ibig ni Hesus. Siya ang gawin nating gabay sa darating pang mga taon at nawa'y araw-araw maging mala-Pasko pa rin ang ating buhay.

Sunday, December 14, 2014

What the fuck me?

Yung nagtatrabaho ka kahit weekend kasi may hinahabol kang deadline tapos naisipan mo para maging organized ka gagawa ka ng task list na arranged according to priority pero dalawang oras na wala ka pang nalilista sa fucking list tapos ngayon nakuha mo pang mag post? What the fuck me.

Tapos nagbukas ka pa ng youtube sa isang tab.

Wednesday, December 10, 2014

Delectable in lightness yet surprisingly unpalatable to my ass


Subject: Razon's of SM Fairview

Minsan isang araw namimili ako sa menu ng Razon's sa pagitan ng sisig at lechon kawali. Tinanong ko sa kasama ko kung alin ang mas nakakamatay. Sabi niya yung lechon kawali daw. Kaya yon ang binili ko. Huli ko na naalala na mahina na pala ang panunaw ko. Tapos yung taba ng baboy lumutang lutang lang sa tyan ko. Tapos yung ulo ko parang bumigat na parang nawalan ng dugo na hindi ko mapaliwanag. True story.

Anyway, alam naman nating lahat na ang Razon's of SM Fairview ay sikat dahil sa kanilang halo. Napaka-polarizing yang halo na yan. May mga taong sarap na sarap sa halo ng Razon's of SM Fairview. At yung ibang tao suklam na suklam naman. Kasi nga nag hahanap sila ng pangalawang halo. Kaso halo lang talaga sa Razon's of SM Fairview anong magagawa mo 'di ba? Doon ka sa Chowking kung gusto mo.

Rating: A+ for near death experience.

Wednesday, December 3, 2014

Pero sinabayan ko ng ubo

Pag napa-utot ka nang hindi sinasadya tapos medyo may kaunting tunog na mala-singaw lang, automatic na bang maririnig yon ng ibang tao?

Asking for a friend.

Monday, December 1, 2014

I don't know about you, but I'm feeling 62

Sa mundong ito, may mga bagay talagang hindi mo hawak ang sarili mong kapalaran. Gaya na lang nang pag auto play sa laptop ng pirated DVD ng Taylor Swift - Journey to Fearless bago magsimula ang project meeting.

Wednesday, November 26, 2014

Ballsacking with the Binays

Ayoko naman manghusga kaagad ng isang bagay na hindi ko pa naman nasubukan. Sabi nga eh, 'Don't judge lest thou judgest thyself'. Kaya nung makita ko na may palabas na kinopya sa Keeping Up With the Kardashians, hindi ko muna hinusgahan. Datapwat pinanonood ko na munang mabuti. Yung mga patalastas.


  • Pakialamerang nanay? Check
  • Walang pakialam na tatay? Check
  • Anak na babae na mommy na rin na kung umasta eh kala mo dyosa ng kagubatan? Check
  • Papansin na manugang? Check
  • Anak na bading? Check
  • Dialogue na hindi scripted? Check


Napabilib ako. Talagang nakuha nila yung essence ng pinagbasehan nilang palabas. And truly, it takes gutz to watch a Gutierrez.

Now showing on E - Channel 207 sa SkyCable. Where you belong.


Thursday, November 20, 2014

Oh, the humanity and all the passengers screaming around here.

Proud akong sabihin na maliban sa erectile dysfunction, wala pa talaga akong nararamdamang physical na kahinaan sa kabila ng edad kong sisyenta y tres kapitulo kwatro bersikulo bente tres hanggang trenta. Subalit napansin ko talaga na nagiging lakwatsero na ang utak ko. Laging absent.

Pinaka ebidensya dito ay yung madalas, as in madalas ako nasusurpresa na bukas pala yung zipper ko. Mapa-shorts, maong pants, khakis, jumper… walang pinipili. Sarap ng lakad ko tapos boom, bukas pala zipper ko. After ng team meeting, bukas pala zipper ko. Dinner sa SM We Got It All For You foodcourt, bukas pala zipper ko. Mga 3 beses ko nang nahuli ang zipper kong bukas habang bumabyahe mula Fariview hanggang Taguig. Ang kagandahan pa nito, hindi ko matandaan kung kailan bumukas yung zipper ko. Kung pagkasuot pa lang ba ng salawal ko? O umihi ba ako tapos hindi ko nasara? Wala akong idea.

Pero sa ngayon tinitingnan ko na lang ito na isang blessing. Kumbaga, at least laging ready. Kung saan man siya ready, hindi ko alam because erectile dysfunction.

Wednesday, November 12, 2014

Full-Bodied Yet Surprisingly Insipid

Tapa y Espesyal es Kamahal

Subject: Banapple Fairview Terraces Chapter

Noong unang panahon, nanood kami ng cultural show dyan sa may bandang Commonwealth Ave. Nang natapos kami mga bandang alas-kwatro ng umaga kumain kami sa kalapit na pares house. At habang kumakain kami ng pares, tapa, at longganisa nagdatingan yung mga cultural dancers at naki-salo sa amin.
Parang ganon din ang tapa ng Banapple. Minus yung may kasabay kang cultural dancers.

Rating: R

Sunday, November 9, 2014

Black and White Challenge

Alam niyo yung pag may na uuso na list your 10 best/favorite/recommended something something then tag 10 people?
Hindi ako nata-tag sa ganon.
Suplado daw kasi ako.
Well, fuck you. Ita-tag ko sarili ko.

List 5 of the Most Memorable Films You've Watched. Tagging Mr. Diaz.

Okay!

In no particular order:

1.) Jurassic Park - Memorable ito kasi ito yung unang pelikula na nakipag make-out ako sa soon to be syota ko. Oo late bloomer ako, 47 years old na ako nung unang nagka-syota. I'm choosy like that.

2.) Babewatch - Memorable ito kasi ito yung unang video na pinanood ng batch namin ng sama-sama. Bonding kumbaga. Pinanood namin ito sa bahay ng kaklase namin na yung nanay niya eh Science teacher namin nung high school. Introducing nga pala dito ang Academy Award winner na si Asia Carrera.

3.) Basic Instict - Ito yung unang ni-rent namin ng mga pinsan ko na VHS na Rated R. Ang style pa namin noon hihiram muna kami ng mga wholesome na pelikula gaya ng Karate Kid, Home Alone sabay turo don sa mga Rated R na pelikula. Yung acting skills ni Sharon Stone forever engraved na sa utak ko.

4.) Ekis - Memorable ito kasi ito yung pelikulang pinapanood namin nang nailawan kami ng mahiwagang flashlight habang nagkakapaan. EH SA MADILIM SA SINEHAN! Hindi ko makita yung popcorn ano ba! Ganon pala feeling ng nare-raid. Lalabas ka ng sinehan na nakayuko at nagmamadali sa paglakad.

5.) Bambi - Memorable ito kasi ito yung unang pelikulang pinanood ko kasama ang tatay ko.

Thursday, October 30, 2014

The Fault In Our Stars: An In-Deep Movie Review of the Colloquial Mannerisms of Indigenous Ibatans

Huhu huhu huhuhu! (25x) Fuck you Gus! Fuck you..... Huhu huhu huhuhu! (25x)

End.

Wednesday, October 29, 2014

Henceforth You Shall Be Known As Paul

Hindi ko matandaan kung sa Facebook o Twitter na may nagtatanong na kung saan ba nagmula ang katagang "Huli ka balbon!"


In this case hindi na siya balbon, medyo silky smooth na lang.

Now you know. You're welcome.

Wednesday, October 22, 2014

Loop at T_VBAP where MATNR eq S_MATNR

Sa nag-Google search kung mabisa ang malunggay panlaban sa jock itch: Oo mabisa siya. Pero kailangan mo muna isahog sa tinola. Ngayon, habang kakaluto pa lang ng tinola, ibuhos mo sa makati mong singit.

Friday, October 17, 2014

Decadent Yet Surprisingly Vomit Inducing

Kung tatanungin ka anong una mong maiisip pag sinabing ang pangalan ng blog ay "Dear Diarya"? Tama. Isang food blog. Yun talaga dapat ang niche ko, ang pagiging isang foodie. Kaso yung mga unang 3 taon ng blog na ito puro pagkain lang ni manang ang nakakain ko. So twice a week mafe-feature ang menudo. Tapos tuwing Biyernes ang feature munggo. Sa ngayon nakakakain na ako sa mga iba't ibang kainan. Mga kainan sa loob ng SM Fairview. Kaya naisipan ko na ibalik muli ang unang adhikain ng blog na ito at yun ang magpost ng tungkol sa pagkain. At least once every 3 years.


Subject: Taipan Grill

Since may "grill" sa pangalang Taipan Grill, naisip ko na malamang ang specialty nila ay mga grilled na pagkain. Kaya umorder ako ng breaded pork chop (not in picture). Kung may kasabihan tayo na "Don't judge a book by its cover", ganon din wag mo i-judge ang pork chop nila sa breading. O sa sauce. O sa lasa. Anyway sa halagang P80+ something, mabubusog ka na rin. Malungkot pero busog. Two Thumbs Up.

Rating: DOA

ps. Sarado na nga pala yung Taipan Grill, mahigit isang taon na yata.



Tuesday, October 14, 2014

Eye of Skadi

Bosero amputa mahiya ka nga

Monday, October 13, 2014

Productivity As A Defining Factor Of Character (A Study in Retrograde Comparison)

Sa isang sakahan, hindi mo maalis na makumpara ang bawat isang magsasaka kung gaano sila kasipag o gaano sila kawalanghiya sa pagbungkal ng lupa. Laging meron yan. Pero may nabasa ako minsan na vandal na ang sabi, "Judge ye not thou lest ye be judged. Txt m8 09175573237."

Subukan natin ikumpara ang aktibidades ng dalawang magsasaka na nagbubungkal ng lupa sa parehong sakahan.

Sa unang tingin kala mo masmasipag si Magsasaka 1. Baka nga. Pero kung tutuusin mas naging produktibo si Magsasaka 2. Kung ikaw ay isa ng manggagawa, malalaman mo na meron tayong tinatawag na Work-Life Balance. Ang ibig sabihin lang nito, sa bawat isang Work, kailangan may katumbas na Life. Kung gaano katimbang yung Life sa bawat Work, nasa sa iyo na 'yon. Kung titingnan mo si Magsasaka 2, nabalanse niya ang Work-Life niya sa pamamagitan ng ratio na 1hr Work is to 3hr Life o 1:3. Actually medyo 1:4 na. Actually parang halos 1:6 na nga. Basta ang importante na gawa niyang magkaroon ng systema ng pagiging balanse. Yan ang tatak ng tunay na mabuting magsasaka.


Tuesday, October 7, 2014

Who the fuck is Nadine Lustre

Minsan habang nasa SM Fairview We Got It All For You, may narinig akong dumadagundongdong na tunog. Yun pala sigawan lang ng mga audience ng isang mall show na pinangungunaha ni Nadine Lustre at nung lalaking James Read. Gusto ko sana panoorin para makita ko naman si Nadine Lustre, kaso may bitbit akong Jollibee burger steak na kailangan ko na iuwi at kainin, so priorities. Since bihira naman ako manood ng local television, at mga pelikula lang ni Sarah Geronimo ang pinapanood ko, wala akong kaalam-alam kung sino talaga si Nadine Lustre at bakit ang dami niyang fans. Subalit datapwa't, kamakailan lang may nakita akong article sa Candymag* tungkol sa kanya. At dahil dito, nalaman ko na isa pala siyang style icon. Kung ano mang ibig sabihin no'n hindi ko alam basta maniwala na lang tayo.


Tuhod ni Nadine Lustre, the style icon, as seen from her Instagram account.

Curiosity satisfied.


* 'Wag niyo na itanong kung anong ginagawa ko sa Candymag site.

Thursday, September 25, 2014

Tuwad. Buka.

Dahil nalalapit na naman ang ANNPHYEXA (ANNual PHYsical EXAmination) ng aming sakahan, napagdesisyunan ko na mag crash healthy living. Baka sa pagkakataon naman na ito pumasa yung blood pressure ko, Lagi kasing 70/100, hindi man lang maka 75.

Nilista ko ang mga ilang bagay na susubukan kung tuparin sa susunod na isang buwan at kalahati.


  • Bawasan ang pagkain ng junkfood food. – Madalas kasi kinukuha ko yung baon ng palamunin kong anak.
  • Umiwas sa mga fastfood food. – Dito sa sakahan namin, sa kaliwa McDo. Sa kanan, Jollibee. Sa gitna, Edsa. No choice.
  • Bawasan ang pag-kape. – Maliban na lang kung Starbucks. Hindi masama sa kalusugan ang kape sa Starbucks. O Coffeebean.
  • Iwasan ang unprotected sex. – Joke. Lagi akong may dalang condom. Unless nakalimutan ko.
  • More fruits and vegetables. – Puro fruit-flavored ice cream na lang bibilhin ko.
  • Exercise. – Asa.


Tuesday, September 16, 2014

Guardians of the Galaxy: In-Deep Review with Cannonized Analysis

Last month narinig ko doon sa katabi ko sa AUV.

"Natatawa ako don sa I am Groots."

end.

Thursday, September 11, 2014

Sparkly Sparkly Bling Bling

Dear Billy Joe,

Nabalitaan ko nung nakaraang araw na may "mischief" kang ginawa habang lasing ka. At sa lahat naman ng pupuntahan mo sa istasyon pa ng pulis. Yung mga parehong pulis na walang kaalam-alam kung may nangyayaring krimen sa tapat nila. Matalino.

“It was my fault for actually being aggressive. It’s a good thing it didn’t happen in a bar, it didn’t happen anywhere else. It happened in a precinct. The reason why is because I knew for a fact I needed to be in a controlled environment. So as I said, I really apologize to the officers if I said anything derogatory or anything else,” Crawford said, adding he went to the police station because he was “stressed out by certain situations.”
Alam mo Billy Joe, naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo. Hindi man ako maka-empathize at least sympathize siguro. Pagsuotin ka ba naman ng ganito nung kabataan mo eh.

For the nth time, gagamitin ko itong litratong ito.


Anyway, sana alagaan mo sarili mo. Lalo na't maraming taong nagmamahal sa iyo. Pati na rin na yung babae na lagi mong kasama. Yung nandon sa show niyo na may hawak na mic. Hawak lang.

Group hug.

Monday, September 8, 2014

Due to an upset stomach

Minsan* talaga may mga panahon na tamad na tamad kang pumasok. Kaso ang problema pahirapan magpaalam ng vacation leave. Sa mga ganitong pagkakakataon kailangan mo mag file ng “sick” leave. Sa mga baguhan pa lang sa industriya ito yung ilang tips na maari kong ibahagi sa ikauunlad ng bansa

  • Huwag makipag-inuman sa manager mo kinagabihan bago ka mag file ng sick leave. For obvious reasons. Pero one time nga dahil nandon na rin siya, sinabi ko na rin na kinabukasan ay naka sick leave ako. Pumayag naman siya dahil siya naman ang nagyaya. Use with caution.
Pag naghulog ka ng asterisk, yung susunod na gagamit magtatae ng fireworks.

  • Sa araw bago ka mag sick leave umpisahan mo nang umubo-ubo  saka suminghot-singhot. Gumamit ng raspy voice sa lahat ng kausap. I-condition na ang mga kapwa mo magsasaka na magkakasakit ka. Kung may mga minor kang nararamadaman sa iyong katawan, exagerate mo lang. Ako kasi erectile dysfuntion lang ang meron kaya medyo palaisipan kung paano gawing masmalala..
  • Kung nag sick leave ka na nga, siguraduhin naman na hindi ka mabubuko. Minsan, may sale sa SM kaya nagleave ako para makabili ng mga bagong brip na may 20% discount. Nakalimutan ko na don nga pala sumasakay yung isa kong ka team. Yung nagkasalubong kami sinabi ko na lang na magpapacheck up ako sa Medical City. Since ayoko naman magsinungaling, nagpacheck up na lang din ako. 
Masarap yung Hamburger Burger nila, promise. Parang Burger Hamburger.


*Araw-araw, maliban ang Friday kasi iinom.


Wednesday, August 27, 2014

Primetime

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang dami nilang pina audition tapos sa huli yung celebrity "talent" din naman nila ang papanalunin. Alam naman natin na joke lang yung text voting hahaha. Pandagdag kita lang yon. Pero kawawa naman din yung mga "ordinaryong" tao na sumali di ba? Madami-dami ding panlalait ang inabot nila. Ang gusto ko sana talaga manalo yung ano, may number ang pangalan, si Fourthy ba yon? Kawawa naman kasi, number na nga lang pangalan niya tapos natanggal pa. Tsk. Napaka loser. Anyway, nagkadayaan man o hindi, ang panalo, panalo. So congrats na rin kay Daniel. Tunay nga nasa iyo na.

Daniel - Pinoy Peanut Butter (PPB) grand winner.

Friday, August 22, 2014

Vision of Love

Mas masaya sana ang mundo kung:

1. Isang breded na asong sosyal na sa mall pa pina-groom ay biglang tumae sa gitna ng foodcourt.
2. Sa isang concert sumabay yung audience sa kanta tapos biglang sisigaw yung bokalista ng "Potah kayo ba ang nag co-concert o ako?!"
3. Umamin na si Piolo na bading siya.
4. Itigil ko na itong pinag-gagagawa ko.

Tuesday, August 5, 2014

Way Back Machine

Dear Diarya,

Minsan malalagay ka sa sitwasyon kung saan pagpasok mo ng office CR niyo maamoy mo na may kakatapos lang magjebs. Meron kasing ganoon klaseng jebs' odor na sobrang dense na kahit may exhaust fan, hindi pa rin maalis-alis. Parang gumagapang-gapang lang sa sahig. Pagganito ang sitwasyon, kahit ihing-ihi ka pa, ay lumabas ka na kaagad. Dahil pagnagkataon at may gagamit na kasunod mo at ikaw ang nakitang kalalabas lang, siguradong ikaw ang pag-iisipan na jumebs doon.

Lingering,
Loverboy A

Monday, August 4, 2014

Matter

Kanina naka sabay ko sa CR yung African-American namin na kasakahan. Kaya doon ako sa pinakadulong urinal umihi.

Thursday, July 31, 2014

Bullet

Ah langya. August na bukas. Isa pa lang napost ko buong July.


  • Pa laos na rin sa wakas yang loombands na yan. Madami talagang yumayamayan sa mga walang ka kwenta kwentang bagay. Dati tsinelas na pinasosyal ngayon naman lastiko na ginawang libangan. Eh panahon pa ni Jose P. Laurel may lastiko na eh. Tingnan niyo litrato niya may loomband sa kaliwang kamay.
  • Natutuwa ako kay Paolo Bediones. Kasi ang husay ng pagkakagawa ng sex tape niya. Alam mo pag yung tao mahilig manood ng porn eh. Yung style niya na may pa palo-palo pa sa pwet. Natawa ako eh hahaha. Palagay ko pangarap na niya yon 3rd year highschool pa lang siya hahaha.


May idadagdag pa sana ako eh. Kaso nakalimutan ko. Balikan ko ito pag naalala ko ulit.

End.

Wednesday, July 2, 2014

Peon lvl.7

Sa ground floor ng sakahan namin may showroom ng Volvo. At tuwing napapadaan ako nasasabi ko sa sarili ko, "Fuck my life." Tapos may papatak na tatlong luha. Isa sa kanan, dalawa sa kaliwa.

Monday, June 23, 2014

SEO

Paano tanggalin ang mantsa ng tamod sa shorts?

Friday, June 13, 2014

Note To Self

Brad,

Naiintindihan ko na manual labor ang trabaho mo, pagpapawisan ka rin kaagad. Pero hindi naman yan dahilan para hindi ka maligo bago pumasok.


Tuesday, June 10, 2014

Unrelated

Pero gumagaling na talaga mag predict ng panahon ang mga weather forecasters natin ah.

"Ang panahon ay magiging banayad ngunit maaring din magdulot nang mahina hanggang malakas na panaka-nakang pag-ulan mula umaga hanggang gabi sa iba't-ibang bahagi ng Luzon pati na rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao."

*slow clap.

Thursday, June 5, 2014

ICZ

Yung panahon natin ngayon, parang panahon lang na pabago-bago.
Pagpasok mo sobrang init. Habang pauwi ka, biglang bubuhos ang ulan. Pagdating mo sa bahay saka naman titigil. Tapos saglit lang sobrang humid naman. Pang-asar lang eh.

Kaya bilang pakyu sa panahon, hindi na muna ako pumasok. Pakyu ka Weather!

Pakyu...

Thursday, May 29, 2014

Di ko rin naman sasabihin

Kanina sa AUV, basa yung kili-kili ng katabi ko.
'Wag mo ng alamin kung paano ko nalaman.

Friday, May 23, 2014

Umiisla

Ang kagandahan ng mga corporate team building ma'am, sir, ay yung makakapaglasing ka nang boss mo ang magbabayad ng lahat. Survey lang, sino ba talaga ang nagkaroon ng masmagandang relasyon sa kapwa magsasaka dahil dyan sa team building na yan? Kung naging close man kayo ay dahil lang yan sa puro kayo lasing. Pag wala nang amats, pwede na ulit mang backstab hahaha.

Pero maganda talagang oportunidad ang team building activities para maka tsansing ka sa mga magaganda mong kasakahan, na madalas hindi ka pinapansin dahil amoy araw ka pagpasok.

Anyway, last week yung mother team namin nag team building sa Cavite. Bale 2pm to 6pm ang various "exercises to enhance camaraderie, teamwork and world peace amongst individual contributors".
Kami, nag-inom sa pala-isdaan.


Thank you multinational corporate gods.

Saturday, May 17, 2014

Ang Pinagmulan

Sa tanda kong ito, ngayon ko lang na realize na ang puki pala ay ngongo ng pussy...

Racist.

Saturday, May 10, 2014

Parlor Games No. 3

  • Maghiwa ng luya na pa hugis pineapple chunks. 
  • Isahog sa pininyahang manok.
  • Ihain sa mga kamag-anak.

Thursday, May 8, 2014

Kitkat 4.4

Scene: Mang Inasal over halo-halo

Girl 1: Kaya kami nagpalagay na ng installation dahil sa sobrang init.
Girl 2: Anong klaseng installation?
Girl 1: Yung nilalatag sa kisame para hindi masyadong sumingaw yung init.

End.

Monday, May 5, 2014

Racket

Kung kilala niyo ako, alam niyong mahilig ako sa mga pekeng Reality TV. Kaya nung nalaman ko na may 24/7 channel pala yung Pinoy Big Brother All In and Out sa Sky Cable eh agad kong sinipat. Kanina ang problema nila yung toilet bowl na ayaw lumubog ang tae. Sobrang scripted.
Syempre binarahan talaga ng Channel 2 yung inidoro para magkaroon ng excitement sa bahay ni kuya. Pero feeling ko ang taeng hindi lumulubog na ito ay masmataas pa ang makukuhang rating kaysa sa palabas ni Marian na Carmella.

Monday, April 28, 2014

Shakeys

Kamakailan lang nagpasa ng resolusyon na gawing malunggay ang pambansang gulay. Akalain mo't naisip pa ng Kongreso ito no?

"Malunggay tree is one of the most important plants that deserve national and international promotion due to the many bio-medical endowment and numerous socio-economic benefits that can be derived from it," De Venecia said in the bill's explanatory note.
Medyo hindi ako pabor sa pag-amyenda na ito. Maraming mas deserving na gulay. Gaya ng talong.
Pag dumating ang panahon na kaya na ng malunggay ipa-orgasm ang mga kababaihan, baka magbago pa pananaw ko.

Wednesday, April 23, 2014

Oral

Napansin ko lang yung wikang Filipino may pagka racist din eh. Kumbaga may mga salitang Filipino na pang hampaslupa ang dating. Halimbawa, sa ingles athlete's foot. Pero sa Filipino, alipunga. Alin ang masnakakadiri pakinggan? Yung alipunga parang pagkahubad pa lang ng sapatos umaalingasaw na. Alipungaaaaaaahhhhhhh...

Isa pa yung hadhad. Sa ingles Jock Itch. Parang kati kati lang no. Sosyal pa nga dahil jock. Hindi brip. Pero pagsinabi mong HADHAD. Parang naagnas na singit na kaagad ang naiisip mo eh. HADHAD!

Pero ito talaga matindi. Pag sinabi mong titi, ang pumapasok sa isipan mo kaagad maliit. titi. titi. tiny titi. Kahit pa ang pagkabigkas mo TITEHHH. Wala rin eh.
Pero pag cock, hindi mo mabigkas na hindi naiisip na malaki. Cock. COCK. COCCKKK! Yung bibig mo nakabuka kaagad. COCK. Try niyo bigkasin 20 times. Tapos lalabasan na yan.

Saturday, April 19, 2014

Clarity

Nagbo-"blog" ng 4am? Senyales na ito ng katandaan. Maliban sa impotence, eto na talaga ang isa sa mga symptomas na naghuhudyat nang aking pagtanda. Yung tipong tatlong oras lang ang kailangan kong tulog. Tapos bago pa man tumilaok ang manok nakapag saing na ako. Habang nagsisibak ng kahoy. Ah fuck. Tara tulog.

Tuesday, April 8, 2014

Taho

Nung isang araw habang jumejebs ako, may katok ng katok sa pinto ng CR at minamadali akong lumabas. Naintindihan ko tuloy yung naramdaman ni Anne Curtis noong nabwiset siya at sinampal si John Lloyd because of "banging her" door. Syempre ako naman hindi ko naman pwede i-channel yung Anne Curtis spirit at mag " I can buy you, your friends, and this club." Pero sa tingin ko nakaganti na rin ako dahil sa baho na iniwan ko sa loob ng CR.

Saturday, April 5, 2014

Non-personal

Subalit kung iniisip niyo na ang ibig sabihin ng ASAP ay As Soon As Possible, nagkakamali kayo. Ang ASAP at As Soon As Possible ay magka-ibang bagay. Kapag sinabi mong ASAP, ibig sabihin non gagawin mo na kaagad. As in now na. Like yah. Halimbawa: "Opo dakilang amo, ipagtitimpla ko po kayo ng mountain juice ASAP." Dapat within 3 minutes tapos na yan.

Pero naman pag sinabi mong as soon as possible, ibig sabihin naman nito gagawin mo pag may oras ka na, sa panahon na komportable ka at yun ang bagay na nais mong gawin. Halimbawa: "Dakilang Amo, yung technical design ng system para ma-automate yung internal feedback functionality sisimulan ko na gawin as soon as possible." Siguro after 1 year and 4 months pwede mo nang simulan.

Friday, March 28, 2014

Yun talaga yon eh

Sa tagal ko nang magsasaka, ngayon lang ako tinatamaan ng burnout. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa dami na ng nararamdaman kong sakit sa edad kong 68, o dahil lang ba napapagod na ako sa pang araw-araw na routine.
Paulit-ulit lang na babangon ka ng maaga para gumayak at bumiyahe sa napakatrapik na lansangan. Tapos sasakay ka pa ng MRT. Makipagsuntukan ka na lang sa mga trabahador ng Maynilad sa kanto tapos ipahid mo yung kili-kili niya sa manggas ng polo mo. Ganon din kalalabasan.

Repeat (5x4x12).

Tapos wala ka pang blowjob bago umalis ng bahay.

Tuesday, March 18, 2014

Pwede


"When in doubt, don't." -Benjamin Franklin (2012)

Friday, March 14, 2014

Bizarre Love Triangle


Awwww, I'm so happy for you gays... I mean guys.

Tuesday, March 11, 2014

Extreme


Gusto kong gawan ng in-depth study ang mga condom. Sobrang dami na kasi ng variety na hindi mo na talaga malaman kung anong fit para sa iyo. Gusto ko malaman kung anong pagkaka-iba ng Super Sensitive sa Ultra Thin. Kung mas okay ba ang Dimples kaysa sa Grooves. Kung talagang mas malasa ba ang Strawberry sa Chocolate Mousse. Kung talaga bang mararamdaman mo lahat ng kalamidad mula Tornado hanggang Storm Surge.
Ang problema lang talaga wala akong makitang kasama sa scientific journey na ito.