Sunday, October 25, 2009

Busy

Yun na.

Friday, October 23, 2009

Ondoy, Pepeng, Ramil, Erap

May tawag ba doon sa kakampi ka ng mahirap pero yung halaga ng isang bote ng alak mo ay katumbas ng 6 na buwan na panggastos nila? Delubyo.

Tuesday, October 13, 2009

Dahil si Willie ito, hindi mo talaga sigurado kung totoo

Nalungkot ako nang pormal na sinabi ni Willie Revillame na hindi na siya tatakbo sa pagka bise-presidente. Nung unang napabalita na baka tumakbo si Willie sa darating na eleksyon, marami ang nag hurimintado kaagad. Pero bakit naman? Tingnan niyo ang ilang pros ng paktakbo ni Willie sa darating na eleksyon:

1. Malilimitahan ang pagmumukha niya sa telebisyon. I mean, you know, siya lang talaga ang host na kinakailangan pa ng translator para maintindihan.

2. May .08% chance na ma-realize niya na "he's not all that."

3. Kung mapalaki ang kanyang gastos sa kampanya, baka sakaling mainsala niya yung kanyang yacht. Oo utak talangka ako eh.

4. Pagkatapos ng bilangan ng botohan, malalaman natin kung ilang Pinoy ang tang