Sunday, November 15, 2009

This is my quest to follow the stars no matter how hopeless.

Kailangan pa ba talagang pabayuhin ang kotse? Hindi pa ba sapat na may hi-quality audio system na ang kotse? Kailangan pa talagang pakabugin ang mga taong nasa paligid? Pero kotse naman niya yan. Pera naman niya yan. Eardrums naman niya yan. Wala na akong paki. Ang problema kasi ang aga-aga nagiiskandalo na. Kahit mainit di makapag-aircon kasi kailangan ibaba ang mga bintana ng kotse para marinig ng bawat mamamayan ng sangka-Pilipinasan ang cool sounds na kanyang pinapatugtog. Alam niyo kung anong sasakyan ang malakas din magpatutog habang bumabiyahe? Karo ng patay.