Wednesday, November 25, 2009

Greetings Tumblr people

Mabilis talaga kumalat ang tsismis sa Tumblr. Mabilis pa ng kaunti sa kapitbahay naming mahadera...

Kung hindi niyo naitatanong mag-iisang taon na rin ako sa Tumblr. Ako pa magpapahuli sa uso.

deardiarya.tumblr.com

Pero bagamat uso ngayon sa kabataan ang Tumblr hindi ko pa ito mapagtuunan ng pansin. Saka isa pa, gumaya lang naman ang Tumblr sa blog na ito hahahaha. I'll make tumblring if I make sipag-sipag and not uber busy nah. Aightzzz?


Saturday, November 21, 2009

Buti sana kung porn star ako

Sa sobrang busy sa sakahan pati sa panaginip ko nagtatrabaho ako.

Sunday, November 15, 2009

This is my quest to follow the stars no matter how hopeless.

Kailangan pa ba talagang pabayuhin ang kotse? Hindi pa ba sapat na may hi-quality audio system na ang kotse? Kailangan pa talagang pakabugin ang mga taong nasa paligid? Pero kotse naman niya yan. Pera naman niya yan. Eardrums naman niya yan. Wala na akong paki. Ang problema kasi ang aga-aga nagiiskandalo na. Kahit mainit di makapag-aircon kasi kailangan ibaba ang mga bintana ng kotse para marinig ng bawat mamamayan ng sangka-Pilipinasan ang cool sounds na kanyang pinapatugtog. Alam niyo kung anong sasakyan ang malakas din magpatutog habang bumabiyahe? Karo ng patay.

Sunday, November 8, 2009

Twas ye high and ye wide

Minsan ba nagulat kayo sa laki ng kulangot niyo?

Friday, November 6, 2009

Dalawang araw na akong walang tulog

Ang ganda ng katabi ko sa FX. Ang bango pa. Pagdating sa Don Antonio Commonwealth: "Ma sa overfass lang."

Fuki.