Wednesday, September 23, 2009

Ingat lang sa bubog at salubsob

So dumaan ako sa johnlloy umali radio show* para pakinggan ang basbas ni Gad at napansin ko ang bagong blogroll ni jlu. Syempre napa-click naman ako. Dahil doon napadpad naman ako sa blog na sosyalera.net at nakita ko ang isang post niya tungkol sa looklet:

Dive into our ever-growing wardrobe and start styling. Make your look come to life with different models, sets and effects!


Ibig sabihin hindi ko na kailangan pumunta sa Glorietta 4 para magsukat ng Jimmy Choo Shoes. Awesome. Sinubukan ko ang teknolohiya, napakahusay. Feel na feel ko maging stylist.

Belt by Pepe Jeans.
Best worn when shopping for DVDs or used washing machines at the Port...area


Hammer by JRR Gravel and Sand Hardware Store
Best worn when going to church or at children's birthday parties


*mag guest ako dito pagsinipag (saka kung may kapalit)