Monday, August 10, 2009

Sa wakas isang Chiu na may talent

Maliban kay Cesar Montano, kinagigiliwan ko kahit papaano ang Singing Bee. Dahil nga siguro naaliw din ako kay Apple Chiu. Hindi man siya sikat na sikat at walang ka-loveteam na bading, makakikitaan naman na may talent siya sa pagkanta at hindi dinadaan lang sa pakyut. May itsura din naman siya kahit papaano tapos with pleasing personality kaya masasabi ko rin naman crushable siya. Tapos malaki pa ang braso kaya pwedeng mag-dominatrix sa pamamagitan ng sleeper hold. Medyo may pagkaloser nga lang ang pagkadiscover sa kanya dahil galing siya sa Philippine Idol. Pero inferness malayo na ang narating niya mula noon. Kaya kay Apple Chiu, itaguyod mo ang apilyidong Chiu. Ang Chiu na may talent.



ps. Di magaling kumanta yung Michael Cruz.