Wednesday, August 12, 2009

Natuto lang mag click ng mouse nagmayabang na

Napansin ko napaka advanced na ng edukasyon ng mga kabataan ngayon. Tuwing tinutulungan ko ang palamunin kong anak gumawa ng assignment nasasabi ko na, "Pinag-aaralan na ng Grade 1 ito? Grade 3 ko ito pinag-aralan ah."

Tapos igogoogle ko yung sagot.

Ano ang implikasyon nito? Nadadaig ng mga anak ang kanilang mga magulang. At hindi naman ako papayag nito. Dapat manatili silang mangmang. SUPERIORITY ang kailangang pairalin. Parang panahon ng Kastila. Para rin naman ito sa kapakanan ng mga nakakatanda. Nakakahiya naman kasi kung masmarami pang nasagot ang anim na taong mong anak sa Game Ka N Ba.

Recommendation ko sa DepEd, wag na munang magturo ng Mathematics hanggang mag-grade 3. Para naman alam na nila manukli pag nagtinda na sila ng dyaryo.