Saturday, August 22, 2009

May regular at spicy versions

Para matustusan ang drug habit ko kumukuha din ako ng mga per project basis na trabaho. Sideline kung baga. Hindi ito yung pagtambay ko sa Quezon Ave. Hobby lang yon.

Ang mahirap sa ganito, syempre ikaw mismo ang makikipag negotiate sa client. Walang boss na haharap to take it up his ass. Kaya kung ano mang problema, pwet mo ang nakataya. Iba't-iba talaga ang mga cliente na makakaharap mo. At kung matindi talaga ang pangangailanan mo wala kang magagawa kung hindi pagpasensyahan na lang. Pero kailangant talaga dito marunong kang kumilatis. Halimbawa meron akong project sa isang NGO. Iniisip ko, langya kawang gawa nanaman ito ah. Hindi ko rin naman masingil ng malaki kasi mabuti naman adhikain nila (ang iligtas ang manok sa extinction). Kaya sige okay lang, nadaan ako sa pakiusapan. Pero pagkatapos ng project ay nasurpresa ako dahil kahit papaano may nakuha akong extra sa kanila na hindi ko inaasahan (katulad ng libreng shabu). Ito namang isa, na katatapos lang kamakailan, medyo malaki ang produksyon. Sa Ilo-ilo nga lang naka-base. Naisip ko pwede ito. Kaya prenesyuhan ko na. Nag downpayment na ng 50%. At pagkatapos ng project, tumawag sa akin. Ganito ang siste, baka daw willing akong kunin ang natitirang bayarin in "goods". Uhm anong ibig sabihin? Dahil nga isa sa kanilang business ay ang pagexport ng atsara baka pwede daw na worth of atsara na lang ang kunin kong bayad. Like, hmmmkei?

Ano ang puntos ko?

Baka may mahilig sa inyo dyan mag atsara kontakin lang ako.

Mura lang.