Thursday, August 27, 2009

Balita ko French manicure ang uso ngayon eh

Kahapon galing ako sa National Kidney Institute para samahan yung kamaganak ko na undergoing dialysis. And man, depressing ang lugar na yon kahit kailan talaga. Kung tutuusin maayos na establisyemento ang NKI, pero pagnakita niyo ang mga taong nagpapagamot don talagang panghihinaan ka ng loob.

Kung hindi pa kayo nakapasok sa dialysis center ng NKI eto ang isipin niyo. Para lang siyang Spa and Beauty salon. David's Salon kumbaga. Isang malaking kwarto lang siya na puro reclining chairs. Tapos dito nakaupo ang mga pasyente na kala mo magpapa manicure, at foot spa. At sa tabi non may makina. Pero hindi pang steam ng buhok ngunit, datapwat, sa halip ay dialysis machine na ikokonekta sa pasyente para ilabas ang dugo. DUGO! Nakakita na kayo ng Slurpree machine? Yon ganon ang itsura. May parang silipan din na may umiikot sa loob pero sa halip na Slurpee ay dugo ang nililinis. DUGO! May tubong nakakonekta na papunta rin sa tao para pagkatapos i-washing machine ay ibabalik sa katawan. Isang session dito na tumatagal ng apat na oras ay nagkakahalaga ng halos P3500. Parang spa treatment nga.

Nakakalungkot lang talaga isipin na hilehilera ang pasyenteng nagpapa-dialysis. Kailangan nilang gawin yon at least twice a week para manatiling buhay hanggang ma-kidney transplant sila. Naisip ko lang habang naghihintay ng apat na oras kung anong magandang gawin sa lugar na yon para naman mabuhayan ng kaunti. One word: hot nurses.