Thursday, August 27, 2009

Balita ko French manicure ang uso ngayon eh

Kahapon galing ako sa National Kidney Institute para samahan yung kamaganak ko na undergoing dialysis. And man, depressing ang lugar na yon kahit kailan talaga. Kung tutuusin maayos na establisyemento ang NKI, pero pagnakita niyo ang mga taong nagpapagamot don talagang panghihinaan ka ng loob.

Kung hindi pa kayo nakapasok sa dialysis center ng NKI eto ang isipin niyo. Para lang siyang Spa and Beauty salon. David's Salon kumbaga. Isang malaking kwarto lang siya na puro reclining chairs. Tapos dito nakaupo ang mga pasyente na kala mo magpapa manicure, at foot spa. At sa tabi non may makina. Pero hindi pang steam ng buhok ngunit, datapwat, sa halip ay dialysis machine na ikokonekta sa pasyente para ilabas ang dugo. DUGO! Nakakita na kayo ng Slurpree machine? Yon ganon ang itsura. May parang silipan din na may umiikot sa loob pero sa halip na Slurpee ay dugo ang nililinis. DUGO! May tubong nakakonekta na papunta rin sa tao para pagkatapos i-washing machine ay ibabalik sa katawan. Isang session dito na tumatagal ng apat na oras ay nagkakahalaga ng halos P3500. Parang spa treatment nga.

Nakakalungkot lang talaga isipin na hilehilera ang pasyenteng nagpapa-dialysis. Kailangan nilang gawin yon at least twice a week para manatiling buhay hanggang ma-kidney transplant sila. Naisip ko lang habang naghihintay ng apat na oras kung anong magandang gawin sa lugar na yon para naman mabuhayan ng kaunti. One word: hot nurses.

Saturday, August 22, 2009

May regular at spicy versions

Para matustusan ang drug habit ko kumukuha din ako ng mga per project basis na trabaho. Sideline kung baga. Hindi ito yung pagtambay ko sa Quezon Ave. Hobby lang yon.

Ang mahirap sa ganito, syempre ikaw mismo ang makikipag negotiate sa client. Walang boss na haharap to take it up his ass. Kaya kung ano mang problema, pwet mo ang nakataya. Iba't-iba talaga ang mga cliente na makakaharap mo. At kung matindi talaga ang pangangailanan mo wala kang magagawa kung hindi pagpasensyahan na lang. Pero kailangant talaga dito marunong kang kumilatis. Halimbawa meron akong project sa isang NGO. Iniisip ko, langya kawang gawa nanaman ito ah. Hindi ko rin naman masingil ng malaki kasi mabuti naman adhikain nila (ang iligtas ang manok sa extinction). Kaya sige okay lang, nadaan ako sa pakiusapan. Pero pagkatapos ng project ay nasurpresa ako dahil kahit papaano may nakuha akong extra sa kanila na hindi ko inaasahan (katulad ng libreng shabu). Ito namang isa, na katatapos lang kamakailan, medyo malaki ang produksyon. Sa Ilo-ilo nga lang naka-base. Naisip ko pwede ito. Kaya prenesyuhan ko na. Nag downpayment na ng 50%. At pagkatapos ng project, tumawag sa akin. Ganito ang siste, baka daw willing akong kunin ang natitirang bayarin in "goods". Uhm anong ibig sabihin? Dahil nga isa sa kanilang business ay ang pagexport ng atsara baka pwede daw na worth of atsara na lang ang kunin kong bayad. Like, hmmmkei?

Ano ang puntos ko?

Baka may mahilig sa inyo dyan mag atsara kontakin lang ako.

Mura lang.

Tuesday, August 18, 2009

I support PETA for its awesamness*

'Wag lang magmember si Madam Auring.





*mga babaeng letsugas lang ang panty

Saturday, August 15, 2009

Obligatory Darna die hards fan post

Obyus naman na kaya ginawa ng GMA ulit ang Darna ay para ipamukha kay Angel Locsin na hindi lang siya ang may kayang mag bra at panty on national TV. Eh kanino pa nga ba ibibigay ang role na ito kundi sa pinakamagaling mang-agaw. I mean. You know. Pero syempre naglabasan na ang kanya-kanyang mga diehards fans ni Angel Locsin at Mariane Rivera. Sino ang dakila? Sino ang tunay na baliw? Who can swallow better? Spit or swallow?

Sino nga ba talaga ang mas lamang bilang Darna. Simple lang ang solusyon dyan. Sukatin natin kung kanino ang masmalaki.


Kitang-kita naman na masmalaki ang star ni Mariane kaysa kay Angel. Pero ika nga ng isang dalubhasa na nagsaliksik sa pamamagitan ng isang poll:

"ayoko ky marine as darna panget xa...my gus2 ko pren c angel 22o kc c angel c mariane prang lumaki ulo..."

Wednesday, August 12, 2009

Natuto lang mag click ng mouse nagmayabang na

Napansin ko napaka advanced na ng edukasyon ng mga kabataan ngayon. Tuwing tinutulungan ko ang palamunin kong anak gumawa ng assignment nasasabi ko na, "Pinag-aaralan na ng Grade 1 ito? Grade 3 ko ito pinag-aralan ah."

Tapos igogoogle ko yung sagot.

Ano ang implikasyon nito? Nadadaig ng mga anak ang kanilang mga magulang. At hindi naman ako papayag nito. Dapat manatili silang mangmang. SUPERIORITY ang kailangang pairalin. Parang panahon ng Kastila. Para rin naman ito sa kapakanan ng mga nakakatanda. Nakakahiya naman kasi kung masmarami pang nasagot ang anim na taong mong anak sa Game Ka N Ba.

Recommendation ko sa DepEd, wag na munang magturo ng Mathematics hanggang mag-grade 3. Para naman alam na nila manukli pag nagtinda na sila ng dyaryo.

Monday, August 10, 2009

Sa wakas isang Chiu na may talent

Maliban kay Cesar Montano, kinagigiliwan ko kahit papaano ang Singing Bee. Dahil nga siguro naaliw din ako kay Apple Chiu. Hindi man siya sikat na sikat at walang ka-loveteam na bading, makakikitaan naman na may talent siya sa pagkanta at hindi dinadaan lang sa pakyut. May itsura din naman siya kahit papaano tapos with pleasing personality kaya masasabi ko rin naman crushable siya. Tapos malaki pa ang braso kaya pwedeng mag-dominatrix sa pamamagitan ng sleeper hold. Medyo may pagkaloser nga lang ang pagkadiscover sa kanya dahil galing siya sa Philippine Idol. Pero inferness malayo na ang narating niya mula noon. Kaya kay Apple Chiu, itaguyod mo ang apilyidong Chiu. Ang Chiu na may talent.



ps. Di magaling kumanta yung Michael Cruz.

Himas-himasin mo lang at lalabas ang Genie

Maganda pala mag bidyoke sa mga KTV bar...

may kasamang masahe...

sa shower...

habang nakahubad.