Tuesday, June 2, 2009

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw

Nagpasa na ako ng resignation letter. 15 days na palugit ang binigay ko sa kanila para maka hanap ng bagong magbubungkal ng lupa sa palayan. Kung tutuusin dapat January pa lang aalis na ako. Eh kaso nag leave ang direct supervisor ko ng 6 na buwan papuntang US at ako ang naatasang mang latigo sa aming department. Kaya naisipan kong mag power trip muna hahahaha. Kaya ilang buwan na rin akong pumapasok tuwing break time na.

"O break na ba? Hindi pa? Ang aga ko ah!"

Sinimulan ko ang deardiarya mga 3 buwan pagkapasok sa sakahan na ito, taong 2004. Out of sheer boredom siguro. O baka naman kasi masarap lang laitin ang mga kano sa isang blog hehehe. Marami rin akong posts tungkol sa sakahan. Medyo iniiwasan ko na nga lang simula noong nakaraang taon dahil dumadaan lahat sa server namin at baka masilip ng kupal naming IT manager. OO IKAW YON. PAKYU! hahaha. May bukas kayong port gagu! At alam ko password ng network. hahaha.

AAAnnnnyyywwaaayyy. Mamimiss ko rin itong lugar na ito kahit papaano. Hindi naman talaga ganon kabigat ang trabaho dito. Pwera na lang kung turuan na ng kapalpakan. hahaha. Pero hindi talaga nila ako makuhang matanggal dito kahit ilang beses na ako pumalpak (katulad ng di paghiwalay ng de-color sa puti). Kailangan lang kasi maging plastic ka hahaha. Mukha talaga akong mabait ever. Kahit kinukupal ko na sila. Halimbawa, may request, mga ilang linggo ko muna yan papatagalin. Tapos tatawagan ko, "Ano, hindi ko ito magagawa. Dapat kay isang efal mo ito binigay." KUPAL. hahaha. Eh kasi naman ginagawa mo ako laging hanapan ng lost and found mo. Malay ko ba sa stapler mong pula.

Joke lang yon. Mabait ako. Promise.

Mamimiss ko dito yung pagdaan sa kaloob-looban ng Cubao. Lalo na sa pagdaan sa gilid ng Sogo para makasalubong ang mga magkagalit na mag syota hahaha.

Bakit ba ako tawa ng tawa? hahahaha. shut up.

Naluluha ako. Shet. Kailangan makahanap ako ng ibang Sogo na madadaanan...

Masaya makatrabaho ang ibang nasyonalidad. Basta mabango. hehehe (hehe naman para maiba) Masaya in the sense na nakakatawa sila. Sabihin mo ng prejudice o racist o stereotyping, pero makikita mo talaga ang kagaguhan ng ibang nasyonalidad. Kumbaga sa slumbook, "Too many to mention." Katulad na lang sa pag-tae. Langya. Kaya ako pag may nababalitaan na mga foreigner na ng aapi sa mga Pinoy, hindi ako masyadong apektado. Dahil alam ko ang kabahuan nila. Literally.

So wats up for me? Kung may opening kayo, marunong akong mag alphabetize ng kahit ano. Ako rin ay 8wpm sa pag-type. At magaling akong magtimpla ng kape. Basta 3-in-1 na. Wag yung Jimms 5-in-1, di ko kaya yon.

Pero seryos, medyo kabado ako sa next kong sakahan. Kung hindi siguro ako sa Makati, baka sa Ortigas ulit. Langya kasi masyado ng maraming bulag na tumutugtog ng gitara dito sa overpass ng Cubao. I can't compete.