Monday, April 20, 2009

I can show you my bird. Shining, shimmering, splendid

Sa huling silip ko may 839,955 fans na si Susan Boyle sa Facebook. Di ko ma-gets. Anong meron? Sinubukan ko panoorin yung video. Wala naman kakaiba. Kung pagtuunan mo talaga ang boses niya, marami naman nakakanta na kasing galing o masmagaling pa sa kanya. Kaya ba siya sumikat ay dahil sa itsura niya? So dahil pangit, parang na surprise left-hook ang mga tao dahil magaling pala siyang kumanta. Alam ko may tawag don eh...

Ano ba ang pinakamagandang combo para maging istar isinger?

a. Pangit + magaling kumanta: Susan Boylesque

b. Pangit + basura ang pagkanta: William Hung

c. Maganda + basura ang pagkanta: Piolo Pascual

d. Maganda + magaling kumanta: Marian Rivera :-&