Thursday, March 19, 2009

Ola sabong panlaba

Bumalik ako sa so-called sport na badminton. Bakit? Kasi 3 lalaki ang nasibak na dito sa sakahan. Hindi na kami makapagpatintero. Eh bakit so-called sport naman? Hindi ko kasi matawag na sport ang isang activity kung saan tinatalo ako ng mga matrona. Hindi nga, tinatalo ako ng iba't ibang uri ng mga manlalaro. Kahit si tatang na may athritis natatalo pa ako sa badminton.

Eh bakit ba ako patuloy na naglalaro? Ang lulupit kasi ng mga suot ng mga ibang naglalaro na babae. Yung parang pang tennis na short na maiksing maiksi na tinatakpan ng parang paldang hindi naman. Sino naka-isip nito? Eh swak na swak kasi sa mga malilibog na lalaki.

Anyway, yung anak pati nitong isang kasakahan ko ang ganda rin. Kung hindi ba naman yon reason para mag badminton ewan ko na lang. Siya lagi ang niyaya kong ka-double. PERO HINDI KO NAMAN SINASADYA NA LAGI KAMING NAGKAKABUNGGUAN!!

Kaya ngayon bumili na ako ng bagong shorts na pang badminton. Problema nga lang puro kanan na braso ang napupwersa sa "sport" na ito. Dapat kaliwang kamay na ang gamitin ko pang...uhm mouse.