Saturday, March 21, 2009

Kaya kayo, laging gumamit ng condom

Nag-attend ako kaninang umaga ng graduation ng anak ko para sa Kinder II. Depressing no? Parang lumalim na naman ang hukay ng huling hantungan ko. Pero in fairness naman sa akin, para sa edad na 67, ako ang pinaka batang magulang don. Sa mukha at saka sa isip. Them other people are old.

Habang sinasabit ko yung kanyang medal, iniisip ko, langya P27,000 pesos halaga nito ah. Hindi pa kasama yung mga fund raiser don. Mas sulit ba ito kaysa sa plasma TV?

Habang kumakanta sila ng tribute para sa mga magulang bigla akong napuwing. Kaya ako na teary-eyed.

Kung sakaling mabasa niya ito (knock on wood) ang message ko lang ay: Baby bilisian mo na ang pag-aaral mo para magkapag trabaho ka na. Daddy wants to bum around na eh.