Wednesday, January 7, 2009

Out of stock na ang album ni Marian Rivera sa Quiapo

Unang kita ko palang sa cover ng album ni Marian Rivera na Retro Crazy, napasigaw kaagad ako ng "OH MY GOSH!" Eh paano ba naman akong hindi ma-eexcite eh isuot daw ba yung costume niya sa Dyesabel para sa photoshoot ng album cover. That people is what you call branding. Simpleng simple. Brand recognition. Naging patok ang Dyesabel, bakit hindi i-incorporate sa album di ba?

Anyway, hindi lang naman ako sa cover na-excite. Syempre pati sa nilalaman ng album. Ang Retro Crazy ay may 8 tracks. Salamat naman sa buong maykapal at walo lang. Ibig kong sabihin, ang approach siguro nila ay quality over quantity.

Ilang sample ng tracks ay ang mga sumusunod:

  1. Sabay Sabay Tayo - Ang carrier single. Title pa lang napapasayaw na ako! Parang calesthenics.
  2. Retro Crazy Medley #3 Shalala/Always/Magic Carpet Ride (Aring King King)/Chocolate/This Is How We Do It/We Like To Party - Oh wow! Kung minsan sa buhay niyo nairita kayo sa isa sa mga kanta na ito, siguro naman kung gawing MEDLEY ang mga kanta hindi kayo maiirita. Di ba? Di ba? DI BA?!
  3. Sabay Sabay Tayo (Extended Version) - Baka kasi nakalimutan niyo na kaagad yung first track. Kaya mabuti pang ipaalala ulit sa inyo.



Sabay Tayo - Pamboy Lorenzo