Thursday, December 10, 2009

Isang bagay na hindi ko na naman iuupdate

Ass promised, sa Tumblr naman ako magupdate muna. So kung may tumblr thingy kayo, add my shit up.

deardiarya.tumblr.com

Pansamantala lang. Gusto ko lang makiuso. I'm a candy girl like that.

Wednesday, November 25, 2009

Greetings Tumblr people

Mabilis talaga kumalat ang tsismis sa Tumblr. Mabilis pa ng kaunti sa kapitbahay naming mahadera...

Kung hindi niyo naitatanong mag-iisang taon na rin ako sa Tumblr. Ako pa magpapahuli sa uso.

deardiarya.tumblr.com

Pero bagamat uso ngayon sa kabataan ang Tumblr hindi ko pa ito mapagtuunan ng pansin. Saka isa pa, gumaya lang naman ang Tumblr sa blog na ito hahahaha. I'll make tumblring if I make sipag-sipag and not uber busy nah. Aightzzz?


Saturday, November 21, 2009

Buti sana kung porn star ako

Sa sobrang busy sa sakahan pati sa panaginip ko nagtatrabaho ako.

Sunday, November 15, 2009

This is my quest to follow the stars no matter how hopeless.

Kailangan pa ba talagang pabayuhin ang kotse? Hindi pa ba sapat na may hi-quality audio system na ang kotse? Kailangan pa talagang pakabugin ang mga taong nasa paligid? Pero kotse naman niya yan. Pera naman niya yan. Eardrums naman niya yan. Wala na akong paki. Ang problema kasi ang aga-aga nagiiskandalo na. Kahit mainit di makapag-aircon kasi kailangan ibaba ang mga bintana ng kotse para marinig ng bawat mamamayan ng sangka-Pilipinasan ang cool sounds na kanyang pinapatugtog. Alam niyo kung anong sasakyan ang malakas din magpatutog habang bumabiyahe? Karo ng patay.

Sunday, November 8, 2009

Twas ye high and ye wide

Minsan ba nagulat kayo sa laki ng kulangot niyo?

Friday, November 6, 2009

Dalawang araw na akong walang tulog

Ang ganda ng katabi ko sa FX. Ang bango pa. Pagdating sa Don Antonio Commonwealth: "Ma sa overfass lang."

Fuki.

Sunday, October 25, 2009

Busy

Yun na.

Friday, October 23, 2009

Ondoy, Pepeng, Ramil, Erap

May tawag ba doon sa kakampi ka ng mahirap pero yung halaga ng isang bote ng alak mo ay katumbas ng 6 na buwan na panggastos nila? Delubyo.

Tuesday, October 13, 2009

Dahil si Willie ito, hindi mo talaga sigurado kung totoo

Nalungkot ako nang pormal na sinabi ni Willie Revillame na hindi na siya tatakbo sa pagka bise-presidente. Nung unang napabalita na baka tumakbo si Willie sa darating na eleksyon, marami ang nag hurimintado kaagad. Pero bakit naman? Tingnan niyo ang ilang pros ng paktakbo ni Willie sa darating na eleksyon:

1. Malilimitahan ang pagmumukha niya sa telebisyon. I mean, you know, siya lang talaga ang host na kinakailangan pa ng translator para maintindihan.

2. May .08% chance na ma-realize niya na "he's not all that."

3. Kung mapalaki ang kanyang gastos sa kampanya, baka sakaling mainsala niya yung kanyang yacht. Oo utak talangka ako eh.

4. Pagkatapos ng bilangan ng botohan, malalaman natin kung ilang Pinoy ang tang

Wednesday, September 23, 2009

Ingat lang sa bubog at salubsob

So dumaan ako sa johnlloy umali radio show* para pakinggan ang basbas ni Gad at napansin ko ang bagong blogroll ni jlu. Syempre napa-click naman ako. Dahil doon napadpad naman ako sa blog na sosyalera.net at nakita ko ang isang post niya tungkol sa looklet:

Dive into our ever-growing wardrobe and start styling. Make your look come to life with different models, sets and effects!


Ibig sabihin hindi ko na kailangan pumunta sa Glorietta 4 para magsukat ng Jimmy Choo Shoes. Awesome. Sinubukan ko ang teknolohiya, napakahusay. Feel na feel ko maging stylist.

Belt by Pepe Jeans.
Best worn when shopping for DVDs or used washing machines at the Port...area


Hammer by JRR Gravel and Sand Hardware Store
Best worn when going to church or at children's birthday parties


*mag guest ako dito pagsinipag (saka kung may kapalit)

Thursday, September 17, 2009

Si Eddie Gil na lang kulang party na

Sa isang banda anak siya ni Ninoy at Cory. Pero sa kabilang banda naman kapatid siya ni Kris.

Wednesday, September 16, 2009

Thou shall not bear false witness against your neighbor

Dahil nga yung semi-sakahan ko ngayon ay pinaghiwa-hiwalay lang na kahon, rinig na rinig ko yung ungol ng kapwa ko magsasaka.

Scene: Nag-ring ang telepono

Idontknowthenameofmycofarmer: Oo Regencial nga. Regencial! Di mo ba mabasa? R-E-G as in goat O-A-T.

end.

Saturday, September 12, 2009

Thou shall not use thy Lord's name in vain

Scene: Gabi. Loob ng bus habang pauwi sa isang (insert expletive here) meeting:

girlaloo tumunog ang cellphone: Hello? Pa?! Opo nagpapraktis po sa simbahan. Mamaya lang pong mga 10. Opo. Bye.

(20 secs)

boyps katabi si girlaloo tumunog ang cellphone: Hello? Hindi po. Alam ko po nagpapraktis sa simbahan eh. Sige po. Bye.

End.

Friday, September 11, 2009

Karma freeze

Busy. 1...2...3...4 weeks?


Update:
Hindi namin nakuha yung project! (insert expletive here)!

Bato na naging bato pa.

Tuesday, September 8, 2009

Ipahid muna sa damo, tapos sa graba, tapos sa buhangin

Define dyahe:

Naglalakad kayo ng nililigawan mo sa ilalim ng kabilugan ng buwan habang nagkakadikitan yung braso niyo. May kuryenteng nararamdaman sa bawat isa. Nagkakangitian ng matamis.


Sabay makakatapak ka ng tae.

Saturday, September 5, 2009

Unlike and shit

Tatlong araw ko na pinag-iisipan ang Facebook ad na 'to:


Anyways, kung gusto niyo akong i-add sa Facebook para mag-agawan tayo ng talong, wag nang mag atubili.

mr_diaz2003@yahoo.com

Thursday, September 3, 2009

Tapos maglalakad ako ng hubad

Nabanggit ko na rin dati na I'm a sucker for them "reality" shows. Kaya naman ngayon pinapanood ko yung Survivor Philippines sa Kapusod network. Kung sakaling sumali ako ng Survivor Philippines malamang may deardiarya din ako.

Day 1
deardiarya,

Sa desyerto pala ang Survivor ngayong taon. Bad trip puro swimming trunks na neon ang dinala kong damit.


Day 2
deardiarya,

OMG! Rice na naman ang ulam namin. The nerve of these producers. Parang di na ako tatagal ng isa pang araw dito sa impyernong ito! Buti na lang itong isang "survivor" ang sexy.



Day 3
deardiarya,

Ok my bad. Back where I came from kasi (ie civilization) ang butas na may lamang tubig ay tinatawag naming toilet bowl. DUH! Malay ko naman di ba?


Day 4
deardiarya,

Hello body odor.


Day 5
deardiarya,

May nanghipo sa akin kagabi habang natutulog. Sana si Michelle yon...


UPDATE: Umamin si Joey. Fuck.


Day 6
deardiarya,

I'm so going to vote Joey out in the next tribal council. Kagabi si Mark naman katabi niya. The bitch.


Day 7
deardiarya,

So the motherfucking-backstabbing-assholes voted me out. LIKE I CARE. Good riddance to their bad breaths and open sores.

ps. makakapagdyakol na rin ako

Tuesday, September 1, 2009

Kung hindi mo rin lang ma-knockout ang kalaban mo, mag chess ka na lang.

My day highlight of:

Nakita ko si Bentong sa SM.


end.

Thursday, August 27, 2009

Balita ko French manicure ang uso ngayon eh

Kahapon galing ako sa National Kidney Institute para samahan yung kamaganak ko na undergoing dialysis. And man, depressing ang lugar na yon kahit kailan talaga. Kung tutuusin maayos na establisyemento ang NKI, pero pagnakita niyo ang mga taong nagpapagamot don talagang panghihinaan ka ng loob.

Kung hindi pa kayo nakapasok sa dialysis center ng NKI eto ang isipin niyo. Para lang siyang Spa and Beauty salon. David's Salon kumbaga. Isang malaking kwarto lang siya na puro reclining chairs. Tapos dito nakaupo ang mga pasyente na kala mo magpapa manicure, at foot spa. At sa tabi non may makina. Pero hindi pang steam ng buhok ngunit, datapwat, sa halip ay dialysis machine na ikokonekta sa pasyente para ilabas ang dugo. DUGO! Nakakita na kayo ng Slurpree machine? Yon ganon ang itsura. May parang silipan din na may umiikot sa loob pero sa halip na Slurpee ay dugo ang nililinis. DUGO! May tubong nakakonekta na papunta rin sa tao para pagkatapos i-washing machine ay ibabalik sa katawan. Isang session dito na tumatagal ng apat na oras ay nagkakahalaga ng halos P3500. Parang spa treatment nga.

Nakakalungkot lang talaga isipin na hilehilera ang pasyenteng nagpapa-dialysis. Kailangan nilang gawin yon at least twice a week para manatiling buhay hanggang ma-kidney transplant sila. Naisip ko lang habang naghihintay ng apat na oras kung anong magandang gawin sa lugar na yon para naman mabuhayan ng kaunti. One word: hot nurses.

Saturday, August 22, 2009

May regular at spicy versions

Para matustusan ang drug habit ko kumukuha din ako ng mga per project basis na trabaho. Sideline kung baga. Hindi ito yung pagtambay ko sa Quezon Ave. Hobby lang yon.

Ang mahirap sa ganito, syempre ikaw mismo ang makikipag negotiate sa client. Walang boss na haharap to take it up his ass. Kaya kung ano mang problema, pwet mo ang nakataya. Iba't-iba talaga ang mga cliente na makakaharap mo. At kung matindi talaga ang pangangailanan mo wala kang magagawa kung hindi pagpasensyahan na lang. Pero kailangant talaga dito marunong kang kumilatis. Halimbawa meron akong project sa isang NGO. Iniisip ko, langya kawang gawa nanaman ito ah. Hindi ko rin naman masingil ng malaki kasi mabuti naman adhikain nila (ang iligtas ang manok sa extinction). Kaya sige okay lang, nadaan ako sa pakiusapan. Pero pagkatapos ng project ay nasurpresa ako dahil kahit papaano may nakuha akong extra sa kanila na hindi ko inaasahan (katulad ng libreng shabu). Ito namang isa, na katatapos lang kamakailan, medyo malaki ang produksyon. Sa Ilo-ilo nga lang naka-base. Naisip ko pwede ito. Kaya prenesyuhan ko na. Nag downpayment na ng 50%. At pagkatapos ng project, tumawag sa akin. Ganito ang siste, baka daw willing akong kunin ang natitirang bayarin in "goods". Uhm anong ibig sabihin? Dahil nga isa sa kanilang business ay ang pagexport ng atsara baka pwede daw na worth of atsara na lang ang kunin kong bayad. Like, hmmmkei?

Ano ang puntos ko?

Baka may mahilig sa inyo dyan mag atsara kontakin lang ako.

Mura lang.

Tuesday, August 18, 2009

I support PETA for its awesamness*

'Wag lang magmember si Madam Auring.





*mga babaeng letsugas lang ang panty

Saturday, August 15, 2009

Obligatory Darna die hards fan post

Obyus naman na kaya ginawa ng GMA ulit ang Darna ay para ipamukha kay Angel Locsin na hindi lang siya ang may kayang mag bra at panty on national TV. Eh kanino pa nga ba ibibigay ang role na ito kundi sa pinakamagaling mang-agaw. I mean. You know. Pero syempre naglabasan na ang kanya-kanyang mga diehards fans ni Angel Locsin at Mariane Rivera. Sino ang dakila? Sino ang tunay na baliw? Who can swallow better? Spit or swallow?

Sino nga ba talaga ang mas lamang bilang Darna. Simple lang ang solusyon dyan. Sukatin natin kung kanino ang masmalaki.


Kitang-kita naman na masmalaki ang star ni Mariane kaysa kay Angel. Pero ika nga ng isang dalubhasa na nagsaliksik sa pamamagitan ng isang poll:

"ayoko ky marine as darna panget xa...my gus2 ko pren c angel 22o kc c angel c mariane prang lumaki ulo..."

Wednesday, August 12, 2009

Natuto lang mag click ng mouse nagmayabang na

Napansin ko napaka advanced na ng edukasyon ng mga kabataan ngayon. Tuwing tinutulungan ko ang palamunin kong anak gumawa ng assignment nasasabi ko na, "Pinag-aaralan na ng Grade 1 ito? Grade 3 ko ito pinag-aralan ah."

Tapos igogoogle ko yung sagot.

Ano ang implikasyon nito? Nadadaig ng mga anak ang kanilang mga magulang. At hindi naman ako papayag nito. Dapat manatili silang mangmang. SUPERIORITY ang kailangang pairalin. Parang panahon ng Kastila. Para rin naman ito sa kapakanan ng mga nakakatanda. Nakakahiya naman kasi kung masmarami pang nasagot ang anim na taong mong anak sa Game Ka N Ba.

Recommendation ko sa DepEd, wag na munang magturo ng Mathematics hanggang mag-grade 3. Para naman alam na nila manukli pag nagtinda na sila ng dyaryo.

Monday, August 10, 2009

Sa wakas isang Chiu na may talent

Maliban kay Cesar Montano, kinagigiliwan ko kahit papaano ang Singing Bee. Dahil nga siguro naaliw din ako kay Apple Chiu. Hindi man siya sikat na sikat at walang ka-loveteam na bading, makakikitaan naman na may talent siya sa pagkanta at hindi dinadaan lang sa pakyut. May itsura din naman siya kahit papaano tapos with pleasing personality kaya masasabi ko rin naman crushable siya. Tapos malaki pa ang braso kaya pwedeng mag-dominatrix sa pamamagitan ng sleeper hold. Medyo may pagkaloser nga lang ang pagkadiscover sa kanya dahil galing siya sa Philippine Idol. Pero inferness malayo na ang narating niya mula noon. Kaya kay Apple Chiu, itaguyod mo ang apilyidong Chiu. Ang Chiu na may talent.



ps. Di magaling kumanta yung Michael Cruz.

Himas-himasin mo lang at lalabas ang Genie

Maganda pala mag bidyoke sa mga KTV bar...

may kasamang masahe...

sa shower...

habang nakahubad.

Thursday, June 4, 2009

Bagong yugto. Parang emo lang.

Magiging busy na ako sa pagback-up ng porn galing sa opis computer. I'll see in uhmm, December. Babush!

Tuesday, June 2, 2009

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw

Nagpasa na ako ng resignation letter. 15 days na palugit ang binigay ko sa kanila para maka hanap ng bagong magbubungkal ng lupa sa palayan. Kung tutuusin dapat January pa lang aalis na ako. Eh kaso nag leave ang direct supervisor ko ng 6 na buwan papuntang US at ako ang naatasang mang latigo sa aming department. Kaya naisipan kong mag power trip muna hahahaha. Kaya ilang buwan na rin akong pumapasok tuwing break time na.

"O break na ba? Hindi pa? Ang aga ko ah!"

Sinimulan ko ang deardiarya mga 3 buwan pagkapasok sa sakahan na ito, taong 2004. Out of sheer boredom siguro. O baka naman kasi masarap lang laitin ang mga kano sa isang blog hehehe. Marami rin akong posts tungkol sa sakahan. Medyo iniiwasan ko na nga lang simula noong nakaraang taon dahil dumadaan lahat sa server namin at baka masilip ng kupal naming IT manager. OO IKAW YON. PAKYU! hahaha. May bukas kayong port gagu! At alam ko password ng network. hahaha.

AAAnnnnyyywwaaayyy. Mamimiss ko rin itong lugar na ito kahit papaano. Hindi naman talaga ganon kabigat ang trabaho dito. Pwera na lang kung turuan na ng kapalpakan. hahaha. Pero hindi talaga nila ako makuhang matanggal dito kahit ilang beses na ako pumalpak (katulad ng di paghiwalay ng de-color sa puti). Kailangan lang kasi maging plastic ka hahaha. Mukha talaga akong mabait ever. Kahit kinukupal ko na sila. Halimbawa, may request, mga ilang linggo ko muna yan papatagalin. Tapos tatawagan ko, "Ano, hindi ko ito magagawa. Dapat kay isang efal mo ito binigay." KUPAL. hahaha. Eh kasi naman ginagawa mo ako laging hanapan ng lost and found mo. Malay ko ba sa stapler mong pula.

Joke lang yon. Mabait ako. Promise.

Mamimiss ko dito yung pagdaan sa kaloob-looban ng Cubao. Lalo na sa pagdaan sa gilid ng Sogo para makasalubong ang mga magkagalit na mag syota hahaha.

Bakit ba ako tawa ng tawa? hahahaha. shut up.

Naluluha ako. Shet. Kailangan makahanap ako ng ibang Sogo na madadaanan...

Masaya makatrabaho ang ibang nasyonalidad. Basta mabango. hehehe (hehe naman para maiba) Masaya in the sense na nakakatawa sila. Sabihin mo ng prejudice o racist o stereotyping, pero makikita mo talaga ang kagaguhan ng ibang nasyonalidad. Kumbaga sa slumbook, "Too many to mention." Katulad na lang sa pag-tae. Langya. Kaya ako pag may nababalitaan na mga foreigner na ng aapi sa mga Pinoy, hindi ako masyadong apektado. Dahil alam ko ang kabahuan nila. Literally.

So wats up for me? Kung may opening kayo, marunong akong mag alphabetize ng kahit ano. Ako rin ay 8wpm sa pag-type. At magaling akong magtimpla ng kape. Basta 3-in-1 na. Wag yung Jimms 5-in-1, di ko kaya yon.

Pero seryos, medyo kabado ako sa next kong sakahan. Kung hindi siguro ako sa Makati, baka sa Ortigas ulit. Langya kasi masyado ng maraming bulag na tumutugtog ng gitara dito sa overpass ng Cubao. I can't compete.

Monday, June 1, 2009

Inhibits hypermotility by direct action on the bowel wall

Napansin ko lang marami akong bagong readers(dalawa). Para sa inyong kaalaman, ito ay reincarnation na ng Dalai Diarya. Oo apat na taon ng entries ang binura ko. Wala naman regrets akong naramdaman sa pagkabura non. Bawat entry naman sa deardiarya nasa puso ko.










Bwahahaha! Hindi rin. Hahahahaha



Anyway, kanina naglilinis ako ng hard drive at nakita ko yung ilang posts ko dati na naka save. Karamihan mga images lang. Ipost ko yung iba. Para naman makita ng marami kong bagong readers (dalawa).

Eto yung galing sa entry ko tungkol sa mga makabagong librong pambata.

Saturday, May 23, 2009

Hayden Kho 3 pixels long



Plurk suggestments blog post. Wag niyo ako kasuhan. I plead fucking insanity! HAHAHAHA

Monday, May 18, 2009

Hindi pala pwede mag art workshop ang 64 yr old

Kahapon nasa SM Fairview ang Art Angel, yung palabas sa kapusod network. Oh man, I'm so crush on Pia Artangel. Gusto ko siya ilagay sa bote at higop-higupin gabi-gabi.

Friday, May 15, 2009

Tapos yung opismate ko tatawagin kong vacuum

Nagtataka ako sa pinsan ko bakit Len ng Len. Kesyo gamit daw ng utol niya si Len, lagi niyang iniingatan si Len, talagang the best gamitin si Len. Sino ba si Len? May prostitute ba kayo dyan? Pa next.

Yun pala yung bago niyang laptop ang tinatawag niyang Len. Ganon daw talaga pagmahalaga ang bagay, parang may terms of endearment. Walang basagan ng trip. Sabagay, kung may 18gig ba naman na porn dyan, eh ingatan mo nga. Sana lang hindi magselos yung TV nila dahil hindi niya pinangalanang Emily.

Pero in the spirit of the Christmas season, tatawagin ko na ngayon ang PC ko na Boloks. Tapos yung electricfan ng Eric, ang wallclock ng Ben, ang microwave ng Mang Tonio, ang DVD player ng Hiroshiki Sanji Ih ih ih, ang hanger ng Junjun, yung toilet bowl ng Mr. Sanderson, at ang tissue na pinagsingahan ko ng sipon ng Melanie.

Monday, April 27, 2009

You know the drill... Tuwad!

Busy/bakasyon. I'll see you in 2....3....4 weeks. Muwahagz.

Wednesday, April 22, 2009

Kung ang pangalan mo ay Ped Xing, pwede kang tumakbo bilang Senador

Tamo tong mga politikong mga to may isang nag papahid kunyari ng putik sa kanyang lacoste may nag pepedicab kuno. at may epal na rambutito - JohnLloy (iniisip)


Aba'y maaga nga naman ang kampanya ng mga politikong ito. Biglang nagsisibaitan.
Pero ika nga ng lolo ko sa nanay, "Don't grab the opportunity, rape it."

Kaya sa mga panahon ng kampanya maraming nakikinabang na mga printing press, tarpauline makers at mga graphic artists. Kaya ito ang aking "pitch" para kay Bayani Fernando (Bayani ako, Bayani ka, Bayani ang tatay mong kalbo). Comon big bucks....

(rub vigorously for enlargement)

bayani-tarpauline

bayani-banner

Tuesday, April 21, 2009

Para po sa simbahan / basketball team / pamasahe papuntang Puerto

"Balik ka na lang, buo yung pera ko eh."

"Nagbigay na ako ng abuloy kahapon."

"Patawad."

"Iba relihiyon ko eh."

"Wala pa po yung amo ko."

Monday, April 20, 2009

I can show you my bird. Shining, shimmering, splendid

Sa huling silip ko may 839,955 fans na si Susan Boyle sa Facebook. Di ko ma-gets. Anong meron? Sinubukan ko panoorin yung video. Wala naman kakaiba. Kung pagtuunan mo talaga ang boses niya, marami naman nakakanta na kasing galing o masmagaling pa sa kanya. Kaya ba siya sumikat ay dahil sa itsura niya? So dahil pangit, parang na surprise left-hook ang mga tao dahil magaling pala siyang kumanta. Alam ko may tawag don eh...

Ano ba ang pinakamagandang combo para maging istar isinger?

a. Pangit + magaling kumanta: Susan Boylesque

b. Pangit + basura ang pagkanta: William Hung

c. Maganda + basura ang pagkanta: Piolo Pascual

d. Maganda + magaling kumanta: Marian Rivera :-&

Friday, April 17, 2009

An in depth review of Slumdog Millionaire

Ang gusto lang naman ng pelikulang ito ay antigin ang puso mo. Yun lang. Bawat eksena dapat maawa ka sa bida. Boohooo, naglublob siya sa tae. Whatever. Wala man lang robot na nagtratransform. Walang super assassin na naghahanap ng kanyang totoong identity. Wala. Hindi man lang si Jessica Alba ang leading lady. Tapos yung theme song kinopya pa nila sa Snow White and the Seven Dwarves.

Saturday, April 4, 2009

Squeeze those oranges. Oooohhh oohhh oh yeah. ih ih ih ih ih ih.

Paulit-ulit itong palatastas ng boxing sa April 19. Yung "The Fast and the Furious - The Return of the Comeback." Napansin ko lang talaga yung moniker na binigay nila kay Brian Viloria:


Brian "Hawaiian Punch" Viloria


Hawaiian Punch? Talaga? Pagsinabing Hawaiian Punch ito talaga naiisip ko eh.

The reigning WBC Super Bantamweight Champion of the Worlddddddd

Kung ganon pala kung sumabak man ako sa boxing gusto kong matawag na, Romy "Fruit Salad" Diaz.

Wednesday, April 1, 2009

Oh you can't miss that humongous red erection

Scene:
Bus 7.30am
Background noise - Quantum of Solace DVD pirated version

Enter stage left Manong Kunduktor

PASSENGER18: Dalawang Sogo Cubao

end

Tuesday, March 24, 2009

Monday, March 23, 2009

MANNY PACQUIAO INJURED!!!

Mukhang lahat ng tama sa ulo kay Pambansang Kamao ay nagkaroon na ng epekto sa kanyang utak. Kawawa naman ang kanyang bunsong anak na si Queen Elizabeth kung nagkaganon. Manny ipagdadasal ka namin...

Post-traumatic amnesia (PTA) is a state of confusion that occurs immediately following a traumatic brain injury (TBI) in which the injured person is disoriented and unable to remember events that occur after the injury. (source)

Saturday, March 21, 2009

Kaya kayo, laging gumamit ng condom

Nag-attend ako kaninang umaga ng graduation ng anak ko para sa Kinder II. Depressing no? Parang lumalim na naman ang hukay ng huling hantungan ko. Pero in fairness naman sa akin, para sa edad na 67, ako ang pinaka batang magulang don. Sa mukha at saka sa isip. Them other people are old.

Habang sinasabit ko yung kanyang medal, iniisip ko, langya P27,000 pesos halaga nito ah. Hindi pa kasama yung mga fund raiser don. Mas sulit ba ito kaysa sa plasma TV?

Habang kumakanta sila ng tribute para sa mga magulang bigla akong napuwing. Kaya ako na teary-eyed.

Kung sakaling mabasa niya ito (knock on wood) ang message ko lang ay: Baby bilisian mo na ang pag-aaral mo para magkapag trabaho ka na. Daddy wants to bum around na eh.

Thursday, March 19, 2009

Ola sabong panlaba

Bumalik ako sa so-called sport na badminton. Bakit? Kasi 3 lalaki ang nasibak na dito sa sakahan. Hindi na kami makapagpatintero. Eh bakit so-called sport naman? Hindi ko kasi matawag na sport ang isang activity kung saan tinatalo ako ng mga matrona. Hindi nga, tinatalo ako ng iba't ibang uri ng mga manlalaro. Kahit si tatang na may athritis natatalo pa ako sa badminton.

Eh bakit ba ako patuloy na naglalaro? Ang lulupit kasi ng mga suot ng mga ibang naglalaro na babae. Yung parang pang tennis na short na maiksing maiksi na tinatakpan ng parang paldang hindi naman. Sino naka-isip nito? Eh swak na swak kasi sa mga malilibog na lalaki.

Anyway, yung anak pati nitong isang kasakahan ko ang ganda rin. Kung hindi ba naman yon reason para mag badminton ewan ko na lang. Siya lagi ang niyaya kong ka-double. PERO HINDI KO NAMAN SINASADYA NA LAGI KAMING NAGKAKABUNGGUAN!!

Kaya ngayon bumili na ako ng bagong shorts na pang badminton. Problema nga lang puro kanan na braso ang napupwersa sa "sport" na ito. Dapat kaliwang kamay na ang gamitin ko pang...uhm mouse.

Pagkatapos ng blowjobs at paid sex

1. Nicole
2. Jalosjos

Yung isa di alam kung na rape siya. Yung isa naman rapist na pinalaya. WTF is wrong with yous people?

Tuesday, March 17, 2009

Kung bakit mahal ang urinal ng MMDA

Sobrang daming consumer products na overpriced sa totoo lang.

Cheps Tony's Pofcorn - Popcorn pa lang na isang tumbler 200 pesoses na. Langya. Samantalang sa Goldilocks caramel popcorn magkano lang. Kaso ang problema talaga sa Cheps Tony Pofcorn ang hirap tigilan. Lalo na yung kamachile flavor.

Medyas ng Guess - Langya. Amoy paa pa rin yan paghubad mo ng sapatos.

Shure earphones - Di ko maisip kung bakit mas mahal pa ang earphones na ito sa DVD player kong Pensonic. Umiilaw yung mga buttons nitong DVD player ko eh! What's up with that?

Sex - Langya blowjob P1500 na kaagad. Putsa naman o. Tapos etong si Gwen Garci 100k isang gabi. Overpriced ampotah.

Monday, March 16, 2009

That was one fucked up month

Hindi ko ma-gets kung bakit yung mga tricycle drayber namin ang hilig makipag karerahan sa isa't isa. What's the point? Ano ngayon kung ikaw pa mauna sa kanto ng Jamboree street? Tricycle pa rin yung minamaneho mo. Hindi yan souped-up na Toyota Corolla. Tricycle yan na otso pesos ang pamasahe. Eh para ka rin nyang nagpa-beauty pageant ng mga katulong. Hahahahahaha! I kid, I kid.

Monday, January 19, 2009

At least di ko binura ngayon

Busy. I'll see you in 2....3....4 weeks. Muwahagz.

Sunday, January 18, 2009

Paamoy muna ng pwet mo

Taglibog yung aso namin. The bitch. Kaya naman lahat ng asong lalaki sa subdivision namin naamoy yung alingasngas ng libog niya. At alam niyo ba kung anong nangyayari pag ganyan? Lahat ng asong yan nagdedeklara ng teritoryo nila. Sa gate namin. Ang panghe ang potah. Araw-araw ko pinapalinis yung gate dahil kala mo CR ng lalaki sa Farmer's Plaza sa bantot.

Kung ganito ang tao, hindi na maitatanggi ni Dingdong na may relasyon sila ni Marian. Obyus naman dahil makikita siyang umiihi sa gate ng bahay ng bitch.

Wednesday, January 14, 2009

Maitim man ang budhi, maputi naman ang kili-kili

Palagay ko dito talaga naakit ni idolforeversolidgold Marian Rivera si Dingdong. Karylle don't have no shit against Marian's shiny sweaty armpits.





ps.
Last na ito promise...

Wednesday, January 7, 2009

Out of stock na ang album ni Marian Rivera sa Quiapo

Unang kita ko palang sa cover ng album ni Marian Rivera na Retro Crazy, napasigaw kaagad ako ng "OH MY GOSH!" Eh paano ba naman akong hindi ma-eexcite eh isuot daw ba yung costume niya sa Dyesabel para sa photoshoot ng album cover. That people is what you call branding. Simpleng simple. Brand recognition. Naging patok ang Dyesabel, bakit hindi i-incorporate sa album di ba?

Anyway, hindi lang naman ako sa cover na-excite. Syempre pati sa nilalaman ng album. Ang Retro Crazy ay may 8 tracks. Salamat naman sa buong maykapal at walo lang. Ibig kong sabihin, ang approach siguro nila ay quality over quantity.

Ilang sample ng tracks ay ang mga sumusunod:

  1. Sabay Sabay Tayo - Ang carrier single. Title pa lang napapasayaw na ako! Parang calesthenics.
  2. Retro Crazy Medley #3 Shalala/Always/Magic Carpet Ride (Aring King King)/Chocolate/This Is How We Do It/We Like To Party - Oh wow! Kung minsan sa buhay niyo nairita kayo sa isa sa mga kanta na ito, siguro naman kung gawing MEDLEY ang mga kanta hindi kayo maiirita. Di ba? Di ba? DI BA?!
  3. Sabay Sabay Tayo (Extended Version) - Baka kasi nakalimutan niyo na kaagad yung first track. Kaya mabuti pang ipaalala ulit sa inyo.



Sabay Tayo - Pamboy Lorenzo

Monday, January 5, 2009

Marian Rivera itinanghal sa kanyang natatanging pag ganap sa pelikulang Baler

Wala na akong masasabi pa. Isang Best Actress na pag-arte para sa tinaguriang Best Picture ng Metro Manila Film Fest. Kung makuha lang sana ng ibang artista kahit katiting ng iyong acting prowess, edi sana mas marami tayong dekalidad na pelikulang lalabas. Idol ka talaga namin Marian. Isa kang talentadong tao. Talentado ka.



UPDATE
Okay. So wala pala sa pelikulang Baler si Marian. At hindi rin siya nanalo bilang Best Actress... uhm alam niyo bang endorser siya ng Maxipeel?

Saturday, January 3, 2009

Ang kupal mo, Kho

Ei Hayden, biatch. So you fucked Katrina Halili. Like maybe 4 or 5 or 69 times... shut up about it already. Alam naman nating lahat na kaya ka nagdadrama kasi babawiin yung kotseng binigay ni Vicky Belo sa iyo. Boohoo. Pero naaliw ako sa iyo noong "magpapakamatay" ka, nag-iwan ka ng huling mensahe kay Belo sa tyan mo. Gamit ang pentelpen.

Ano yon, lipo? Tummy tuck ganon?


Please lang, tigilan mo na ang paglabas sa mga talkshows dahil inaagawan mo lang ng air time ang idol naming lahat na si Marian Rivera.

Walang kinalaman kay Marian Rivera ang ahas na ito

Thursday, January 1, 2009

Dingdong pinutukan si Marian

Hindi pa man sumasapit ang bagong taon ay nagpa-una ng magpaputok si Dingdong kay Marian. Medyo hindi expected ni Marian na magpapaputok na si Dingdong kaya hindi siya masyadong nakapaghanda.

"Masyado siyang excited kaya wala pang 2 minuto naubos na ni Dingdong ang lahat ng pwede niyang iputok," aniya ni Marian. "Medyo bitin at saka may pagka-supot pero hindi naman laging nadadaan sa dami yan."

Napabalitaan namin na marami na ring na experience na pagpapa-putok si Marian pero iba pa rin daw pag galing kay Dingdong. True love na yata talaga ang dalawang ito.