Wednesday, December 3, 2008

Who writes this shit?

Kayo ba habang papalapit sa banyo mas tumitindi ang pwersa ng jebs niyo?

Noong hiskul ako naramdaman kong natatae ako habang English class. Eh tutal isang subject na lang pagkatapos, Business Math, naisipan ko nang umuwi. Pag sa CR ka kasi sa school tumae tapos nalaman na tumatae ka don, aabangan ka ng lahat ng lalaki at paglabas mo magpapalakpakan.

Pagdating sa sakayan ng jeep sumabit na ako. Ganon katindi. Tapos kanto pa lang mula sa amin hinuhubad ko na yung belt ko. Pagdating sa gate nakatanggal na ang sapatos. Sa sala, wala ng pantalon. At pagpasok na pagpasok ko ng CR at pagkaupo sa bowl, ayun na. Sakto. Parang may third eye ang pwet ko.