Wednesday, December 10, 2008

Kahit maghapon, tatagal ako

Kapag pauwi na ako galing ng sakahan ang kadalasang daan ko ay sa Arayat, Cubao. Doon matatagpuan ang national monument na Sogo Hotel. Yang Sogo, may eskenita yan sa gilid at dyan matatagpuan ang kanilang "secret" side entrance. Peyborit namin dumaan dito para makita ang mga biklang-liko gang. Yung kala mo casual lang na naglalakad. Minding their own business. Tapos pagtapat na sa entrance ng Sogo, biglang liliko na yan at maglalaho. Pero kung tutuusin malayo pa lang alam mo na yung mga miyembro ng biglang-liko. Yan yung mga taong may dalang paper bag. May lamang bihisan. Ang isa pang palatandaan ng biglang-liko member ay yung may bitbit na take-out galing Jollibee. Oh wow, ready na ang hapunan.

"O ineng, panghapon ba ang pasok mo sa PUP? Bakit hapon na bagong ligo ka pa." Syempre may libreng sabon 'no!

Nakakapagtaka lang minsan ang mga taong lumalabas sa Sogo magkagalit. Paglabas sa pinto, nagmamadali na maiwan yung isa. Tapos pagkalabas ng eskenita yung lalake sa kaliwa, yung babae sa kanan. Parang hindi magkakilala. Hindi ba't kanina lang nagpapalitan pa kayo ng ungol? Interesting...

Minsan naman pagkalabas hiyang-hiya at di magkandarapa sa pag-iwas ng mukha sa mga tao. Hindi ba dapat proud ka? You got laid madapakar! Akalain mo yon. Unless na lang pangit ka-sex mo... takpan mo na nga lang mukha mo.

In conclusion, kung sakaling makita niyo ako sa Cubao na lumalabas sa eskenita ng Sogo, wag niyong isipin na may ka sex ako don. Gumamit lang ako ng wi-fi. Promise.