Wednesday, December 31, 2008

Bilib talaga ako sa mga mang aagaw ng boyfriend. Hindi si Marian Rivera yon ;)

Dahil dalawang linggo akong nawala ay lulubuslubusin ko na ang pagpost. Nagback read lang kasi ako ng mga comments at napansin ko bumalik pala si Marian Devotee. At ngayon tama na ang spelling ng devotee hahahaha. Congrats, nakabili ka na ng dictionary. Naaliw lang talaga ako minsan sa mga fans ng artista. Para bang obligado silang ipagtanggol ang mga idol nila kahit na wala naman pakialam ang idol nila sa kanila. As if naman papatulan pa ni Marian Rivera ang blog na ito 'no. Pathetic naman siya kung ganon. Well, one time pumatol si Paco Arespacochaga. Langya walang magawa at ni-google ang sariling pangalan hahahha. Apir Paco.

Anyway, galing nga pala si Miss Devotee sa site na ito http://marianriverainfo.blogspot.com
Di ko alam kung bakit. Siguro may Yahoo Alert sila tuwing mabanggit ang pangalan ni Marian Rivera. Loser apmf.

Kala mo ba diehards fans kay Marian Rivera ang site na yon? Hindi. Gusto lang kumita galing sa ads. Ganon talaga eh, ang daming jologs na nagcli-click...

Kaya naisipan ko gumawa ng totoong diehardfans site ni Marian Rivera. Ako ang totoong diehards fans ni MARIAN RIVERA! Idol kita Marian! I love you forever! Dahil sa iyo idedevote ko ang deardiarya sa iyong mga panunulot! este... whatever. At pagmarami ng diehardfans dito sa deardiarya gagawin ko itonng isang malaking ad space ng porn!

Eh bakit ba pumapatol pa ako sa ganito? Hindi pa kasi ako inaantok.