Wednesday, December 31, 2008

Bilib talaga ako sa mga mang aagaw ng boyfriend. Hindi si Marian Rivera yon ;)

Dahil dalawang linggo akong nawala ay lulubuslubusin ko na ang pagpost. Nagback read lang kasi ako ng mga comments at napansin ko bumalik pala si Marian Devotee. At ngayon tama na ang spelling ng devotee hahahaha. Congrats, nakabili ka na ng dictionary. Naaliw lang talaga ako minsan sa mga fans ng artista. Para bang obligado silang ipagtanggol ang mga idol nila kahit na wala naman pakialam ang idol nila sa kanila. As if naman papatulan pa ni Marian Rivera ang blog na ito 'no. Pathetic naman siya kung ganon. Well, one time pumatol si Paco Arespacochaga. Langya walang magawa at ni-google ang sariling pangalan hahahha. Apir Paco.

Anyway, galing nga pala si Miss Devotee sa site na ito http://marianriverainfo.blogspot.com
Di ko alam kung bakit. Siguro may Yahoo Alert sila tuwing mabanggit ang pangalan ni Marian Rivera. Loser apmf.

Kala mo ba diehards fans kay Marian Rivera ang site na yon? Hindi. Gusto lang kumita galing sa ads. Ganon talaga eh, ang daming jologs na nagcli-click...

Kaya naisipan ko gumawa ng totoong diehardfans site ni Marian Rivera. Ako ang totoong diehards fans ni MARIAN RIVERA! Idol kita Marian! I love you forever! Dahil sa iyo idedevote ko ang deardiarya sa iyong mga panunulot! este... whatever. At pagmarami ng diehardfans dito sa deardiarya gagawin ko itonng isang malaking ad space ng porn!

Eh bakit ba pumapatol pa ako sa ganito? Hindi pa kasi ako inaantok.

Tuesday, December 30, 2008

Ready na ang balls ko

Langya, matatapos na naman ang isang taon. Parang kailan lang gumagawa ako ng 2007 highlights para sa deardiarya. Ngayon, parang gumagawa na naman ako ng highlights. Labo? Holiday hangover. Sosyal ako eh. Labo?

Panibagong taon na naman. Isang taon na naman ng pagblog? Fuck. Sayang sa oras ang potah. Hahaha. Kung hindi lang din naman kayo kumikita sa pagblog, tigilan niyo na yan. Hindi nga. Seryos. Pare pareho lang naman sinasabi natin eh. Hahahaha! Pathetic.

Anyway...

Hi, hello lang. And Happy New Year!

Yun lang.

Wait.

Resolution ko wag maging procastinatorialistic para sa taong ito. Tatlong taon ko na itong resolution.

Monday, December 15, 2008

Itigil niyo muna ang pag download ng porn

Dahil nga 10 days na lang Pasko na, uso na ang mga wish list at mga gift guide na yan. Syempre inggitero ako, nakigaya din ako. Idownload niyo na lang. Maliit lang yan. Saka walang virus. Sana.

DOWNLOAD HERR


Pdf yan okay. Bakit pdf? Kasi gusto ko i-print niyo tapos dalhin ninyo pag mamimili na kayo ng mga regalo. O diba ang thoughtful ko talaga. Sana kayo rin thoughtful (ubo ubo).


Happy holidays y'all! See you next year. Muwahagzzz.

Wednesday, December 10, 2008

Kahit maghapon, tatagal ako

Kapag pauwi na ako galing ng sakahan ang kadalasang daan ko ay sa Arayat, Cubao. Doon matatagpuan ang national monument na Sogo Hotel. Yang Sogo, may eskenita yan sa gilid at dyan matatagpuan ang kanilang "secret" side entrance. Peyborit namin dumaan dito para makita ang mga biklang-liko gang. Yung kala mo casual lang na naglalakad. Minding their own business. Tapos pagtapat na sa entrance ng Sogo, biglang liliko na yan at maglalaho. Pero kung tutuusin malayo pa lang alam mo na yung mga miyembro ng biglang-liko. Yan yung mga taong may dalang paper bag. May lamang bihisan. Ang isa pang palatandaan ng biglang-liko member ay yung may bitbit na take-out galing Jollibee. Oh wow, ready na ang hapunan.

"O ineng, panghapon ba ang pasok mo sa PUP? Bakit hapon na bagong ligo ka pa." Syempre may libreng sabon 'no!

Nakakapagtaka lang minsan ang mga taong lumalabas sa Sogo magkagalit. Paglabas sa pinto, nagmamadali na maiwan yung isa. Tapos pagkalabas ng eskenita yung lalake sa kaliwa, yung babae sa kanan. Parang hindi magkakilala. Hindi ba't kanina lang nagpapalitan pa kayo ng ungol? Interesting...

Minsan naman pagkalabas hiyang-hiya at di magkandarapa sa pag-iwas ng mukha sa mga tao. Hindi ba dapat proud ka? You got laid madapakar! Akalain mo yon. Unless na lang pangit ka-sex mo... takpan mo na nga lang mukha mo.

In conclusion, kung sakaling makita niyo ako sa Cubao na lumalabas sa eskenita ng Sogo, wag niyong isipin na may ka sex ako don. Gumamit lang ako ng wi-fi. Promise.

Monday, December 8, 2008

Mahusay na OFW si Pacquiao

Kahapon nakasuot siya ng tshirt bago lumaban. Syempre sponsor eh. Gusto ko makita sa susunod na laban magsponsor sa likod ng short niya ang Modess. Tapos Caronia nailpolish sa gloves. Tapos sa harap Viagra. Sa sapatos Islander. Sa mukha Likas papaya. Sa tyan R. Lapids chicharon. Sa leeg, Quiapo Snatchers Association Incorporated (QUISAI). Pakshet

Langyang mga congressman yan. Papunta-punta pa ng States para lang manood. Sa susunod wag kayong maging asshole at manood na lang sa SM. Pakshet.

Pinatalo ako ni Dela Hoya ng pang Jollibee. Pakshet

Wednesday, December 3, 2008

Who writes this shit?

Kayo ba habang papalapit sa banyo mas tumitindi ang pwersa ng jebs niyo?

Noong hiskul ako naramdaman kong natatae ako habang English class. Eh tutal isang subject na lang pagkatapos, Business Math, naisipan ko nang umuwi. Pag sa CR ka kasi sa school tumae tapos nalaman na tumatae ka don, aabangan ka ng lahat ng lalaki at paglabas mo magpapalakpakan.

Pagdating sa sakayan ng jeep sumabit na ako. Ganon katindi. Tapos kanto pa lang mula sa amin hinuhubad ko na yung belt ko. Pagdating sa gate nakatanggal na ang sapatos. Sa sala, wala ng pantalon. At pagpasok na pagpasok ko ng CR at pagkaupo sa bowl, ayun na. Sakto. Parang may third eye ang pwet ko.


Monday, December 1, 2008

And don't get me started on Kristine Hermosa

Sa lahat ng babaeng na-link sa akin, si Marian talaga ang hindi ko matipuhan. Parang bitchy na plastic eh.