Friday, November 14, 2008

Tapos yung pera nilaro namin sa peryahan

Namimiss ko mangaroling. Yung teenager kasi ako(mga taong 1914) kasama ko ang ibang mga kabataan sa simbahan* namin para mangaroling. Ang masarap kasi doon yung maglalakad-lakad kayo kasama yung mga magagandang babae. Yun yon eh. Ang kagandahan pa nito maam, sir, eh ako ang gitarista. Kaya habang naglalakad pa lang eh yung mga babae nakapaligid sa akin tapos magrerequest ng mga kanta. Nakaka-arouse kaya yon. Mayamaya yung pinaka maganda at may pinakamaputing legs na babae ang lumapit sabay sabi, "Uy tugtugin mo naman yung kanta ng Alamid."

PAKYU! TUGTUGIN MO MUKHA MO!
... kaso tao lang ako. Mahina. Tinitigasan pag hinahawakan...

Intro Your Love in the key of G...



*contrary to popular belief, santo ako.