Wednesday, November 5, 2008

period (hindi yung mens)

Nangyari na ba sa inyo minsan may ginawa kang bagay na parang astig na astig pero pagkatapos ng ilang taon, o buwan, o linggo, o araw, o oras, ilang minuto, na realize mo na potah ang jologs/pathetic/gut-wrenching/vomit-inducing/shit-spurting ng ginawa ko. Katulad na lang ng pagsuot ko ng acid wash na baston cut na pantalon with matching hi-cut Converse Cons rubbershoes noong mga taong 1993. Binabangungot pa rin ako sa vision na yon. Pero noong mga panahong yon akala ko ang "cool" ng porma ko (shut the fuck up).

O di naman kaya yung panahon na bumili pa talaga ako ng original na cassette tape ng Spice Girls with matching watch the Spice World movie pa. Damn.

Hactually, peyborit ko pa rin ang Spice Girls (shut.the.fuck.up).

Kung may kamera sigurong kumukuha sa iyo buong araw pagkatapos at the end of the week ipapanood sa iyo ang mga ilang "highlights" ng pinagagawa mo, siguro mandidiri ka rin. Like, eeewwwww, sinabi/ginawa/sinulat ko talaga yon?

Ang intarnets talagang nakakapaglabas ng psychotic tendencies ng tao. Barely living testimony ako dyan. Ilang beses na rin tinalakay yan sa buong kabalagsperyuhan. Ang pagiging anonymous ng isang tao ay nakakapagdulot ng ibang klaseng ego-power trip. Halimbawa ako, mr_diaz2003@yahoo.com, kung sa tingin niyo ako ay isang 30 yr old na lalaking introvert na hindi marunong lumangoy, ay nagkakamali kayo. Alerdyik din ako sa hipon. Ang puntos ko, maraming tao kung umasta sa intarnets akala mo sila ang King. Pero ang katotohanan, nilalabas lang nila ang frustrations nila kasi walang pumapansin sa kanila noong high school. Yun ba talaga ang puntos ko? Hindi ko rin alam.

Ano pa ba?

Sa totoo lang hindi ko makita ang puntos ng pagpapalakihan ng bayag sa intarnets. Kung pathetic na nga ang magpalakihan ng bayag sa totoong buhay, lalo naman sa intarnets.

Oo nga pala, galing ako sa party. Ang daming beer. So yon, disclaimer lang.

Magpopost ako ng gif file:




Paikot-ikot lang naman kasi talaga eh. Batikos ng isa. Kokontrahin naman ng isa. Sabay kokontrahin na naman ulit ng kabila. Parinigan ng parinigan. Nakakatawa lang talaga minsan. Hindi nakakatawang ha, ha, ha. Parang nakakatawa lang. Gets mo? Ako hindi eh. Parang pathetic lang ba. Ano bang mapapala talaga? Yon ang tanong. May pera bang makukuha dito? Sali ako.

don't feed the fire
wag na makipag-gulungan sa putik
tigilan na para matigil

Hindi ko alam kung saan lupalop ko pinagkukuha yan, pero may sense naman yata. Sa tingin ko lang.

Meron pa akong isang naisip kanina eh. Nag-cr lang ako nawala na. Dati sa cr ako maraming naiisip na mai-blog. Ngayon sa cr nawawala. Tsk. Ibig sabihin masyadong mabilis ang pag-tae ko.

In concluded: Ilagay niyo na lang lahat ng pinagsusulat ko sa blender. Baka sakaling may magawa pa kayong juice.

Para na talaga akong lolo.

Malamang pagsisisihan ko itong kalokohan na ito bukas.

I-dedelete ko na lang kung ganon. Magaling na akong mag delete ng blog. Hindi na ako virgin sa ganyang aspeto hahahaha.

Ha.
Ha.

Itutulog ko na ito.