Wednesday, November 19, 2008

Pag walang maisulat, maglagay ng litrato. Bow.

Para sa isang proyekto kailangan kong humalukay sa archive namin ng mga litrato. Hindi naka-cd. Wala sa hard drive. Ni wala nga sa Kodak paper eh. Naka slides pa. Kaya sisilipin mo pa tapos iscan mo sa thingamajig para maging digital file.

Ganito ang itsura ng Cubao noon. Ngayon may MRT na dyan sa gitna at saka nakatayo na ngayon dyan yung isa sa mga national landmark ng Pinas. Ang Hotel Sogo.


Mataas talaga ang bewang ng mga babae noong unang panahon. Saka maliit pa ang mga... ipit nila.


Subukan mo lang ixerox ang buong physics book mo dito.


Iglesia ni Cristo sa may Commonwealth bago mapinturahan ang bubong


Obyus na obyus ang edad mo pagnakakain ka pa ng Coney Island


Ngayon nga ni side mirror hindi na makabili ang mga drayber


Plus points kung alam mo kung saan ito. Doon sa pinto sa may dulo ako nakiki-usap na wag akong ikick out sa college na ito


Kauna-unahang Drive-Thru sa Pinas


Noon pa man mahilig na talaga si Ronald sa mga batang lalaki.


Artista ito eh. Hindi ko lang matandaan kung sino...



Update: Hindi ko pa rin kilala kung sino ito. Ito naman naka-smile. Baka naman hindi artista at nag-iilusyon lang ako... malamang.