Friday, November 21, 2008

Naalala mo pa ba yung kinuha ko yung pencil box mo tapos nilagyan ko ng buhangin?

Noong isang gabi may nagmessage sa akin sa Friendster na isang tao na matagal ko ng hindi nakikita. Second year hiskul pa yata yon (mga taong 1932). Dahil dito naisipan ko rin hanapin yung unang crush/MU/puppy love/younglovesweetlove ko noong Grade 5. Siya talaga ang una kong sinersyoso kasi nagbigay ako ng balentayms card sa kanya with matching habulan sa playground. Nang nakita ko ang search result sa Google images (behold the awwweesommeness of Google, Hail!) alam ko kaagad na siya yon kahit 16 years ko na siyang hindi nakikita. Ganon lang kadali no? Nasa Facebook siya at hindi Friendster. Mabuti yon. Ibig sabihin may 84.8% chance na hindi siya jologs. At, ohhh maannn, maganda pa rin siya. Syempre may boobs na pati siya ngayon. HA! Napa what-if moment tuloy ako eh. Dahil offline siya nag-iwan lang ako ng message na, "Hi, alam mo bang pinagpapantasyahan pa rin kita?" Dyoookkk.

Ngayon naman sinusubukan kong hanapin yung naka-una sa aking virginity. Kaso pagsinearch ko sa Google yung "7" may 18,190,000,000 na results eh.