Monday, November 10, 2008

Mas exciting pa sa ending ng Asero

Alam niyo yung sitwasyon kung saan isang grupo kayo sa loob ng isang kwarto tapos naamoy niyo na isa sa inyo ay nakatapak ng tae? Syempre isa-isa niyong sisilipin yung sapatos niyo. Dahan dahan mo pang iaangat na parang sumisilip ng baraha sa tong-its. Tapos ayun na nga, nakadikit sa Diesel mong sapatos ang fecal matter ni Blacky. Congrats! Ikaw yung tangang nakatapak na nga ng tae hindi pa alam.