Thursday, November 6, 2008

baka naman masyadong maalat...

Eto ang short story of the day natin.

Sa Cubao bandang Farmer's Plaza, gumawa ng embudong daanan ang mga MMDA para papilahin ang mga bus. Kaya pag may kupal na driver sa unahan na ayaw pang umalis, buong linyang yan hindi makakagalaw. Kaya pwede kang bumaba ng bus at mamalengke, at pagbalik mo nandon pa rin yung bus na sinakyan mo.

Pagsakay ko ng bus may nakasabay akong cute na babae. Halos kasing edad ko lang, 18. Umupo siya sa tabi ng isang lalaki. Nakangiti. Sabay hampas pa. Tipong nang-aasar. Sabay sabi ng, "O ayan na." Binibigay niya pala yung mani niya. Eto namang lalaki, todo tanggi. Tampurorot. Ewan ko kung anong backstory nila at bakit nauwi sa pagtanggi sa mani. Nakakairata lang yung lalaki dahil siya na nga ang inaalok ng mani, siya pa ang may ganang tumanggi. Samantalang kung tutuusin misdeal ang tandem nila ng cute na girl. Sa huli nairita na rin yung babae at nagbigkas ng, "Ayaw mo talaga?" sabay baba na ng bus. Mani and all. Sino ngayon ang loser Totoy?