Wednesday, December 31, 2008

Bilib talaga ako sa mga mang aagaw ng boyfriend. Hindi si Marian Rivera yon ;)

Dahil dalawang linggo akong nawala ay lulubuslubusin ko na ang pagpost. Nagback read lang kasi ako ng mga comments at napansin ko bumalik pala si Marian Devotee. At ngayon tama na ang spelling ng devotee hahahaha. Congrats, nakabili ka na ng dictionary. Naaliw lang talaga ako minsan sa mga fans ng artista. Para bang obligado silang ipagtanggol ang mga idol nila kahit na wala naman pakialam ang idol nila sa kanila. As if naman papatulan pa ni Marian Rivera ang blog na ito 'no. Pathetic naman siya kung ganon. Well, one time pumatol si Paco Arespacochaga. Langya walang magawa at ni-google ang sariling pangalan hahahha. Apir Paco.

Anyway, galing nga pala si Miss Devotee sa site na ito http://marianriverainfo.blogspot.com
Di ko alam kung bakit. Siguro may Yahoo Alert sila tuwing mabanggit ang pangalan ni Marian Rivera. Loser apmf.

Kala mo ba diehards fans kay Marian Rivera ang site na yon? Hindi. Gusto lang kumita galing sa ads. Ganon talaga eh, ang daming jologs na nagcli-click...

Kaya naisipan ko gumawa ng totoong diehardfans site ni Marian Rivera. Ako ang totoong diehards fans ni MARIAN RIVERA! Idol kita Marian! I love you forever! Dahil sa iyo idedevote ko ang deardiarya sa iyong mga panunulot! este... whatever. At pagmarami ng diehardfans dito sa deardiarya gagawin ko itonng isang malaking ad space ng porn!

Eh bakit ba pumapatol pa ako sa ganito? Hindi pa kasi ako inaantok.

Tuesday, December 30, 2008

Ready na ang balls ko

Langya, matatapos na naman ang isang taon. Parang kailan lang gumagawa ako ng 2007 highlights para sa deardiarya. Ngayon, parang gumagawa na naman ako ng highlights. Labo? Holiday hangover. Sosyal ako eh. Labo?

Panibagong taon na naman. Isang taon na naman ng pagblog? Fuck. Sayang sa oras ang potah. Hahaha. Kung hindi lang din naman kayo kumikita sa pagblog, tigilan niyo na yan. Hindi nga. Seryos. Pare pareho lang naman sinasabi natin eh. Hahahaha! Pathetic.

Anyway...

Hi, hello lang. And Happy New Year!

Yun lang.

Wait.

Resolution ko wag maging procastinatorialistic para sa taong ito. Tatlong taon ko na itong resolution.

Monday, December 15, 2008

Itigil niyo muna ang pag download ng porn

Dahil nga 10 days na lang Pasko na, uso na ang mga wish list at mga gift guide na yan. Syempre inggitero ako, nakigaya din ako. Idownload niyo na lang. Maliit lang yan. Saka walang virus. Sana.

DOWNLOAD HERR


Pdf yan okay. Bakit pdf? Kasi gusto ko i-print niyo tapos dalhin ninyo pag mamimili na kayo ng mga regalo. O diba ang thoughtful ko talaga. Sana kayo rin thoughtful (ubo ubo).


Happy holidays y'all! See you next year. Muwahagzzz.

Wednesday, December 10, 2008

Kahit maghapon, tatagal ako

Kapag pauwi na ako galing ng sakahan ang kadalasang daan ko ay sa Arayat, Cubao. Doon matatagpuan ang national monument na Sogo Hotel. Yang Sogo, may eskenita yan sa gilid at dyan matatagpuan ang kanilang "secret" side entrance. Peyborit namin dumaan dito para makita ang mga biklang-liko gang. Yung kala mo casual lang na naglalakad. Minding their own business. Tapos pagtapat na sa entrance ng Sogo, biglang liliko na yan at maglalaho. Pero kung tutuusin malayo pa lang alam mo na yung mga miyembro ng biglang-liko. Yan yung mga taong may dalang paper bag. May lamang bihisan. Ang isa pang palatandaan ng biglang-liko member ay yung may bitbit na take-out galing Jollibee. Oh wow, ready na ang hapunan.

"O ineng, panghapon ba ang pasok mo sa PUP? Bakit hapon na bagong ligo ka pa." Syempre may libreng sabon 'no!

Nakakapagtaka lang minsan ang mga taong lumalabas sa Sogo magkagalit. Paglabas sa pinto, nagmamadali na maiwan yung isa. Tapos pagkalabas ng eskenita yung lalake sa kaliwa, yung babae sa kanan. Parang hindi magkakilala. Hindi ba't kanina lang nagpapalitan pa kayo ng ungol? Interesting...

Minsan naman pagkalabas hiyang-hiya at di magkandarapa sa pag-iwas ng mukha sa mga tao. Hindi ba dapat proud ka? You got laid madapakar! Akalain mo yon. Unless na lang pangit ka-sex mo... takpan mo na nga lang mukha mo.

In conclusion, kung sakaling makita niyo ako sa Cubao na lumalabas sa eskenita ng Sogo, wag niyong isipin na may ka sex ako don. Gumamit lang ako ng wi-fi. Promise.

Monday, December 8, 2008

Mahusay na OFW si Pacquiao

Kahapon nakasuot siya ng tshirt bago lumaban. Syempre sponsor eh. Gusto ko makita sa susunod na laban magsponsor sa likod ng short niya ang Modess. Tapos Caronia nailpolish sa gloves. Tapos sa harap Viagra. Sa sapatos Islander. Sa mukha Likas papaya. Sa tyan R. Lapids chicharon. Sa leeg, Quiapo Snatchers Association Incorporated (QUISAI). Pakshet

Langyang mga congressman yan. Papunta-punta pa ng States para lang manood. Sa susunod wag kayong maging asshole at manood na lang sa SM. Pakshet.

Pinatalo ako ni Dela Hoya ng pang Jollibee. Pakshet

Wednesday, December 3, 2008

Who writes this shit?

Kayo ba habang papalapit sa banyo mas tumitindi ang pwersa ng jebs niyo?

Noong hiskul ako naramdaman kong natatae ako habang English class. Eh tutal isang subject na lang pagkatapos, Business Math, naisipan ko nang umuwi. Pag sa CR ka kasi sa school tumae tapos nalaman na tumatae ka don, aabangan ka ng lahat ng lalaki at paglabas mo magpapalakpakan.

Pagdating sa sakayan ng jeep sumabit na ako. Ganon katindi. Tapos kanto pa lang mula sa amin hinuhubad ko na yung belt ko. Pagdating sa gate nakatanggal na ang sapatos. Sa sala, wala ng pantalon. At pagpasok na pagpasok ko ng CR at pagkaupo sa bowl, ayun na. Sakto. Parang may third eye ang pwet ko.


Monday, December 1, 2008

And don't get me started on Kristine Hermosa

Sa lahat ng babaeng na-link sa akin, si Marian talaga ang hindi ko matipuhan. Parang bitchy na plastic eh.

Saturday, November 29, 2008

Bumili ako ng suman kaninang 9.00am

Potah. Kagabi pinag-overtime pa ako sa sakahan. Tapos kailangan ko pang iuwi ang ibang gagawin. Dalawang araw lang akong hindi pumasok, inabuso na naman ako at ang daming tinambak na paperwork. Pasalamat sila sira ang shredding machine.

Pero kala nila gagawin ko? Asa. Ang gagawin ko lang ay magblog ng buong araw ko. Hahahaha.

Batttttoooooooo!!!! Tanginang weekend ito.

Recap:

8.30 - Gising na ako. Natatae na kaagad ako.
9.15 - Kumain. Sunog pa yung pritong itlog.
10.00 - Naginternet na.
10.30 - Nagdownload ng mga mp3
10.35 - Video games
11.15 - Naisipan magblog na lang at wag magtrabaho.
11.17 - Tinatamad na magblog hahahaha. Pakdishet.

...

11.27 - Tinitingnan ang mp3 list ng isang taong gumagamit pa nitong computer. Hmmm Regina Spector. Ne-Yo?! What the... o sya Ne-Yo na nga hahaha
11.31 - Fuck Ne-Yo
11.32 - Dapat pala sa twitter ko na lang itong ginagawa
11.33 - Oooh Crazy featuring Jay-Z. Gusto ko si Jay-Z kasi binabayo niya si Beyonce.
11.34 -Tangina wala talaga akong matatapos nito kung kada minuto nag-uupdate ako hahaha

...

12.30 - Tanghalian na ulit. Ang alat ng ulam.
12.32 - Pinapanood ang Eat Bulaga. Parang hindi nag rehearse hahaha. Pero masgusto ko pa talaga ang mga kumakanta ng "live" kahit mali mali, kaysa naman mukhang gagong lipsynch
12.36 - Ang tatanda na ng Sex Bomb dancers hahaha. I like them EB Babes. Type ko yung mga jologs
12.52 - Hi kay Alas. Dahil sa comment mo nakita ko na mali ang sentence ko sa update hehehe

...

1.39 - Napanood niyo na yung Viva Hot Babes Gone Wild? Bakit sa Katya di naghubad? May tinatago? Ngyarrk.

...

2.00 - Naglinis ng files sa hard drive. May mga naka-scan pa na litrato galing hi-skul. Minsan nga ipost ko. HAHAHA.
2.30 - Nanood ng DVD ng Simpsons the Movie. Hiniram ko pa ito sa Video City. Kasi ang cute ng girl na nagbabantay. Kaso di kaya nakakaturn off dahil humiram din ako ng DVD na bida si Sam Milby? Pero hindi naman ako manonood non! Promise.
4.36 - Di pa ako naliligo.
4.37 - Hi to Joms, Bloodytom, DocMnel! Naligo na kayo?

...

5.50 - Nagdecide na akong maligo. Yessss!
6.13 - Nope. Di pa rin nakaligo. Yesss!

...

11.33 - Hello kay Jex, at kay FB (isang beses lang din ako nagtoothbrush buong araw)
11.34 - Kala niyo tapos na ako hindi pa
11.35 - Nakikipag-tsismisan sa YM
11.36 - Alam niyo bang ang presyo ni Ann Curtis para sa kanyang serbisyo ay 300k. Damn. Pera pera lang lahat mofos!
11.37 - Nyte all. Mwahugz!

Thursday, November 27, 2008

Walang pangit pangit sa matigas na tinapay

Scene: MRT cab

Characters: Lalaking nakaupo, lolang nakatayo, cute na guy na nakatayo(blogger sa deardiarya)

Situation: Bumabiyahe patungong Ayala. Si lola nahihirapan sa pagbalanse kasi mahina na ang tuhod.

Enter stage right: Cute na nursing student.

Lalaking nakaupo tatayo. Papaupuin si nursing student.

end.

Wednesday, November 26, 2008

Okay lang sa akin, basta ang bida magandang Koreana

Habang nagta-type ako ng "loveletter" para sa boss ko, nanonood yung mga kasama ko dito ng Survivor Philippines. Medyo nasubaybayan ko rin ito eh. Am a sucker for them "reality" shows, yo.

Ang masasabi ko lang, ang tanga ni Mommy Zita. Hahahaha! Sus, para sa 3 million may nalalaman pang pagpapakita ng kabutihan sa katribo niya. Bullshit. Three million pesos yon oi. Walang bait bait dyan. Pera pera yan. Kala mo bibigyan ka ng balato ng mananalo? Suuuuss. Asa! Hahahaha. Tapos sayang pa last time yung P50,000. Dahil lang hindi siya marunong magbilang kung ilang kwintas na nakasabit sa leeg niya. HAHAHAHA!

I die now.

Tuesday, November 25, 2008

It fits my lifestyle... just like yachting.

Alam niyo kung ano ang namimiss ko? Twitter.
Buhay pa ba yon?
Sinong may mga account?
Magkapatid ba si Kat Alano at Alyssa Alano?
Sino yung babaeng kamukha ni Toni Gonzaga?

Comments. Go.


Update:

Twitter.com/mr_diaz2003

Monday, November 24, 2008

Mahalaga ang opinyon ng iba para sa paghubog ng iyong pagkatao; dangal, nasan ka?

Tapos yung pera nilaro namin sa peryahan

Ketie
ahahhaha!! mahirap talaga kapag madaming temptations sa paligid. iniimbitahan din ako mangaroling. pero ayaw ko kasi malamig. pakyu din nila. AMESHU ULET MR_D! :D

E langya, Minnissottaahh ka ba naman eh. Kamusta na si Garnett?
Ameshu din. YM tayo para balitaan mo ako ng kaganapan sa iyong telenovelafantaserye

Stefhamae
HAHAHAHA! di ko alam mr. d na gitarista ka pala! rak en rol! makapaghanap nga ng babaeng may maputing legs ng mased sayo.. hahaha

Oo natuto akong magitara para lang may lumapit sa aking tao. Kaya ngayon nagagamit ko na siya dito sa overpass ng Cubao.


Damdam
kantatera lang ako sa karoling at tamad akong mag guitara pag nakatayo.. pero pag babae nag guiguitara wala naman lumalapit sa akin na lalaking maputi legs na makinis na gwapo.. buti na lang ayaw ko talagang mag guitara ng naglalakad/nakatayo, wala akong mapapala.. nga pala makiki pakyu na rin.. mukhang uso e..

Ay naku damdam, hindi mo na kailangan ng gitara para lumapit ang mga hunks. Ako nga kulang nalang sabitan ko ng tig-bebente ang leeg ko para lapitan ng mga girlush. Kailangan masanay sa pag gitara ng nakatayo. Hindi lang sa pangaroling pati na rin sa pag harana. Saka sa mga lamay...


Daniella
hahahahha. Naalala ko tuloy yung mga binatilyo at mga dalaga na mahilig mangaroling. Hindi pwedeng bumaba sa 50 pesos ang dapat ibigay dahil malalaki na sila.

hahaha. alam ko yang mga tipong yan. sus P10 lang binibigay ko dyan hhahahaa



Pedro
perpek mo na pala ang G. akala ko kasi nung una hanggang d ka lang. minor at sharp, kaya mo?

D-A-G-A lang talaga ang master ko. Para matugtog ang lahat ng kanta ng Introvoys.


V
nagpakoment nga napakatamad naman magreply. antanda na pala ng alamid ano?

Eto na nga nagpapakahirap sumagot sa mga comments hahahha. Matanda na talaga yang alamid. Panahon pa ng katutubong pinoy yan eh.



2-time Clio Awards Nominee for Best Supporting Actor in a Dramatic Role

JohnLloy
bwahahaha langyang tubol yan at sosyal ha KY pa ang ginamit bwahahaha

Dapat ba grasa ng truck na lang?


Aia
KY? jelly? hahahah. lubricrant? hahahah

Uso daw ito ipahid sa pwet eh.


bloodytom
sa ospital dami nyang ky jelly. gusto mo?

Edi masaya ang mga breaktime niyo?


Saminella
asan na si rina?

Andun sa bukid nagbubunot ng damo. hehhehe. Nasa Mindoro na yata siya ngayon hehehhe



Pag walang maisulat, maglagay ng litrato. Bow...

M
Si Vilma ba yung artista? Ang linis ng Cubao! Nakatikim ako ng Coney Island. Yata. Sa audio na nagpopokus ang mga driver at hindi sa outside paraphernalia. At straight hair pala si Ronald, akala ko kulot.

Hindi yata si ate Vi yan... parang mascute eh. Malinis pa rin naman ang cubao ah.... maliban sa pron na dvds na nagkalat. Sa mga sinehang malagkit, mga nagkalat na batang kalye, pokpok sa overpass... Sabagay naliligo naman na yata ang mga snatcher ngayon bago magtrabaho. Langyang mga audio ng jeep. Todo treble, todo bass. yung dibdib mo kinakabog yung tenga mo tulig.


Aia
wahaha. oo nga ano. straight buhok ni ronald. hahahahaa!

Mura pa talaga hair relax noon.


Joms
I miss the good old days. Hay. Feeling ko hindi pa ako buhay niyan. Lol.

Sus. Malamang teenager ka nitong panahon na ito hahahha. Maganda nga ang buhay dati. Kaso parang boring. Pucha, paano ka makablog gamit ang punch cards.


Ferbert
tama nga ang hula ko.. Si Ronald Mcdonald at si Michael Jackson ay iisa.. hahaha

Magkasing puti na rin no?


Damdam
alam ko kung saang eskwelahan yung pic.. tapos alam ko rin kung saan yung mcdo na yan.. madalas pa ngang maging karerahan ng kotse ang isang malapit na lugar jan dati, oha! ilang beses na rin nasunog yung isang malapit din jan, ok matanda na ako.. payn.. at miss ko na ang pistachio ice cream ng coney island...

langyang eng'g yan. porket nabagsak ko lang ang physics 71 at math53 eh tinaggal na ako... ay saka socsci3 pa pala. saka forced drop sa com... hehhehe
Ikaw matanda? eh noong grade 6 ka graduating na ako ng hiskul. teh shet.


reyna elena
Cubao!!! dati akong nakatira dyan kaya familiar ako sa itsura nya! kakalungkot minsannnnnn!!!!!!

ako nga 4 na taon palang nalalagi sa cubao di ko na namimiss hahaha. pero totoo, iba rin ang alindog na binibigay ng cubao, may sariling karakter. pero yung mga batang palaboy talaga. arghhh doon talaga ako nabubwiset. langyang mga magulang yan.


mnel
mukhang bading si ronald mcdonald. at mariano, hindi yan si ate vi. naging fan pa ako dati ng coney island sa PBA. hahaha. nene pa ko nun. =P

may coney island ba sa PBA noon? hindi ko yata naabutan yon doc? hahahha. ang alam ko presto tivoli. si caidic.



Sa susunod na yung iba. Pagod na yung paa ko eh.

Friday, November 21, 2008

Naalala mo pa ba yung kinuha ko yung pencil box mo tapos nilagyan ko ng buhangin?

Noong isang gabi may nagmessage sa akin sa Friendster na isang tao na matagal ko ng hindi nakikita. Second year hiskul pa yata yon (mga taong 1932). Dahil dito naisipan ko rin hanapin yung unang crush/MU/puppy love/younglovesweetlove ko noong Grade 5. Siya talaga ang una kong sinersyoso kasi nagbigay ako ng balentayms card sa kanya with matching habulan sa playground. Nang nakita ko ang search result sa Google images (behold the awwweesommeness of Google, Hail!) alam ko kaagad na siya yon kahit 16 years ko na siyang hindi nakikita. Ganon lang kadali no? Nasa Facebook siya at hindi Friendster. Mabuti yon. Ibig sabihin may 84.8% chance na hindi siya jologs. At, ohhh maannn, maganda pa rin siya. Syempre may boobs na pati siya ngayon. HA! Napa what-if moment tuloy ako eh. Dahil offline siya nag-iwan lang ako ng message na, "Hi, alam mo bang pinagpapantasyahan pa rin kita?" Dyoookkk.

Ngayon naman sinusubukan kong hanapin yung naka-una sa aking virginity. Kaso pagsinearch ko sa Google yung "7" may 18,190,000,000 na results eh.

Wednesday, November 19, 2008

Pag walang maisulat, maglagay ng litrato. Bow.

Para sa isang proyekto kailangan kong humalukay sa archive namin ng mga litrato. Hindi naka-cd. Wala sa hard drive. Ni wala nga sa Kodak paper eh. Naka slides pa. Kaya sisilipin mo pa tapos iscan mo sa thingamajig para maging digital file.

Ganito ang itsura ng Cubao noon. Ngayon may MRT na dyan sa gitna at saka nakatayo na ngayon dyan yung isa sa mga national landmark ng Pinas. Ang Hotel Sogo.


Mataas talaga ang bewang ng mga babae noong unang panahon. Saka maliit pa ang mga... ipit nila.


Subukan mo lang ixerox ang buong physics book mo dito.


Iglesia ni Cristo sa may Commonwealth bago mapinturahan ang bubong


Obyus na obyus ang edad mo pagnakakain ka pa ng Coney Island


Ngayon nga ni side mirror hindi na makabili ang mga drayber


Plus points kung alam mo kung saan ito. Doon sa pinto sa may dulo ako nakiki-usap na wag akong ikick out sa college na ito


Kauna-unahang Drive-Thru sa Pinas


Noon pa man mahilig na talaga si Ronald sa mga batang lalaki.


Artista ito eh. Hindi ko lang matandaan kung sino...



Update: Hindi ko pa rin kilala kung sino ito. Ito naman naka-smile. Baka naman hindi artista at nag-iilusyon lang ako... malamang.



Friday, November 14, 2008

Tapos yung pera nilaro namin sa peryahan

Namimiss ko mangaroling. Yung teenager kasi ako(mga taong 1914) kasama ko ang ibang mga kabataan sa simbahan* namin para mangaroling. Ang masarap kasi doon yung maglalakad-lakad kayo kasama yung mga magagandang babae. Yun yon eh. Ang kagandahan pa nito maam, sir, eh ako ang gitarista. Kaya habang naglalakad pa lang eh yung mga babae nakapaligid sa akin tapos magrerequest ng mga kanta. Nakaka-arouse kaya yon. Mayamaya yung pinaka maganda at may pinakamaputing legs na babae ang lumapit sabay sabi, "Uy tugtugin mo naman yung kanta ng Alamid."

PAKYU! TUGTUGIN MO MUKHA MO!
... kaso tao lang ako. Mahina. Tinitigasan pag hinahawakan...

Intro Your Love in the key of G...



*contrary to popular belief, santo ako.

Thursday, November 13, 2008

O yan na. Tigilan niyo na pag email sa akin

Alam niyo bang ang ad campaign slogan ng Kleenex ngayon ay Let It Out?

Pros:

1. Hindi mo na kailangan ng ibang tao.

2. Madaling humanap ng lokasyon.

3. Ilang minuto lang tapos na.

4. Wala ka ng ibang taong dapat intindihin.

5. Satisfaction guaranteed.

Tuesday, November 11, 2008

Gillette Blue II

Monday, November 10, 2008

Mas exciting pa sa ending ng Asero

Alam niyo yung sitwasyon kung saan isang grupo kayo sa loob ng isang kwarto tapos naamoy niyo na isa sa inyo ay nakatapak ng tae? Syempre isa-isa niyong sisilipin yung sapatos niyo. Dahan dahan mo pang iaangat na parang sumisilip ng baraha sa tong-its. Tapos ayun na nga, nakadikit sa Diesel mong sapatos ang fecal matter ni Blacky. Congrats! Ikaw yung tangang nakatapak na nga ng tae hindi pa alam.

Saturday, November 8, 2008

testi

Alam mong panahon na para bumalik sa pag-blog kapag napapadalas na ang pagtambay mo sa Friendster.

Friday, November 7, 2008

pusta

Pagmalapit na ako sa sakahan nagpapatugtog ako ng isang random na kanta sa aking mp3.3 player. Ito ang aking psyche-song* for the day. Pang kondisyon ng utak na parang "I'm a badass madapaker."

Play. Sabay tugtog ng "Complicated" ni Avril Lavigne**. Buong araw tuloy akong bitchy-rocker-wannabe-with-perky-tits.



*tipong musika bago pumasok ng ring ang boksingero.
**meron din akong buong album ni Fergie

Thursday, November 6, 2008

baka naman masyadong maalat...

Eto ang short story of the day natin.

Sa Cubao bandang Farmer's Plaza, gumawa ng embudong daanan ang mga MMDA para papilahin ang mga bus. Kaya pag may kupal na driver sa unahan na ayaw pang umalis, buong linyang yan hindi makakagalaw. Kaya pwede kang bumaba ng bus at mamalengke, at pagbalik mo nandon pa rin yung bus na sinakyan mo.

Pagsakay ko ng bus may nakasabay akong cute na babae. Halos kasing edad ko lang, 18. Umupo siya sa tabi ng isang lalaki. Nakangiti. Sabay hampas pa. Tipong nang-aasar. Sabay sabi ng, "O ayan na." Binibigay niya pala yung mani niya. Eto namang lalaki, todo tanggi. Tampurorot. Ewan ko kung anong backstory nila at bakit nauwi sa pagtanggi sa mani. Nakakairata lang yung lalaki dahil siya na nga ang inaalok ng mani, siya pa ang may ganang tumanggi. Samantalang kung tutuusin misdeal ang tandem nila ng cute na girl. Sa huli nairita na rin yung babae at nagbigkas ng, "Ayaw mo talaga?" sabay baba na ng bus. Mani and all. Sino ngayon ang loser Totoy?

Wednesday, November 5, 2008

period (hindi yung mens)

Nangyari na ba sa inyo minsan may ginawa kang bagay na parang astig na astig pero pagkatapos ng ilang taon, o buwan, o linggo, o araw, o oras, ilang minuto, na realize mo na potah ang jologs/pathetic/gut-wrenching/vomit-inducing/shit-spurting ng ginawa ko. Katulad na lang ng pagsuot ko ng acid wash na baston cut na pantalon with matching hi-cut Converse Cons rubbershoes noong mga taong 1993. Binabangungot pa rin ako sa vision na yon. Pero noong mga panahong yon akala ko ang "cool" ng porma ko (shut the fuck up).

O di naman kaya yung panahon na bumili pa talaga ako ng original na cassette tape ng Spice Girls with matching watch the Spice World movie pa. Damn.

Hactually, peyborit ko pa rin ang Spice Girls (shut.the.fuck.up).

Kung may kamera sigurong kumukuha sa iyo buong araw pagkatapos at the end of the week ipapanood sa iyo ang mga ilang "highlights" ng pinagagawa mo, siguro mandidiri ka rin. Like, eeewwwww, sinabi/ginawa/sinulat ko talaga yon?

Ang intarnets talagang nakakapaglabas ng psychotic tendencies ng tao. Barely living testimony ako dyan. Ilang beses na rin tinalakay yan sa buong kabalagsperyuhan. Ang pagiging anonymous ng isang tao ay nakakapagdulot ng ibang klaseng ego-power trip. Halimbawa ako, mr_diaz2003@yahoo.com, kung sa tingin niyo ako ay isang 30 yr old na lalaking introvert na hindi marunong lumangoy, ay nagkakamali kayo. Alerdyik din ako sa hipon. Ang puntos ko, maraming tao kung umasta sa intarnets akala mo sila ang King. Pero ang katotohanan, nilalabas lang nila ang frustrations nila kasi walang pumapansin sa kanila noong high school. Yun ba talaga ang puntos ko? Hindi ko rin alam.

Ano pa ba?

Sa totoo lang hindi ko makita ang puntos ng pagpapalakihan ng bayag sa intarnets. Kung pathetic na nga ang magpalakihan ng bayag sa totoong buhay, lalo naman sa intarnets.

Oo nga pala, galing ako sa party. Ang daming beer. So yon, disclaimer lang.

Magpopost ako ng gif file:




Paikot-ikot lang naman kasi talaga eh. Batikos ng isa. Kokontrahin naman ng isa. Sabay kokontrahin na naman ulit ng kabila. Parinigan ng parinigan. Nakakatawa lang talaga minsan. Hindi nakakatawang ha, ha, ha. Parang nakakatawa lang. Gets mo? Ako hindi eh. Parang pathetic lang ba. Ano bang mapapala talaga? Yon ang tanong. May pera bang makukuha dito? Sali ako.

don't feed the fire
wag na makipag-gulungan sa putik
tigilan na para matigil

Hindi ko alam kung saan lupalop ko pinagkukuha yan, pero may sense naman yata. Sa tingin ko lang.

Meron pa akong isang naisip kanina eh. Nag-cr lang ako nawala na. Dati sa cr ako maraming naiisip na mai-blog. Ngayon sa cr nawawala. Tsk. Ibig sabihin masyadong mabilis ang pag-tae ko.

In concluded: Ilagay niyo na lang lahat ng pinagsusulat ko sa blender. Baka sakaling may magawa pa kayong juice.

Para na talaga akong lolo.

Malamang pagsisisihan ko itong kalokohan na ito bukas.

I-dedelete ko na lang kung ganon. Magaling na akong mag delete ng blog. Hindi na ako virgin sa ganyang aspeto hahahaha.

Ha.
Ha.

Itutulog ko na ito.

Tuesday, November 4, 2008

santos

Kagabi, naamoy ko na ang Pasko. Yung katabi ko kasi amoy medyas.

Monday, November 3, 2008

greetings

Hindi naman lahat ng traffic enforcer ay masama. Katulad na lang kanina, dahil kolorum yung jeep na sinasakyan ko, binalaan siya ng isang traffic enforcer na umiwas dahil may nanghuhuling isa pang traffic enforcer sa bandang unahan. Gosh, he's so thoughtful.

_____****__________**** ______
___***____***____***__ *** ____
__***________****________***____
_***__________**__________***__
_***____HEART_FULL_OF______***_
_***________LOVE__________***_
__***____________________***___
___***__________________***____
____***_______________***_____
______***___________***_______
________***_______***_________
__________***___***___________
____________*****_____________
_____________***_____________
______________*_____________

Saturday, November 1, 2008

storyland

Kung tutuusin masmahirap sa lalaki ang pakikipag-sex. Halimbawa, lalaki at babae na magse-sex sa unang pagkakataon. Naghubad na ang babae. Siyamnaput siyam na pursyento titigasan na ang lalaki. Ngayon naman naghubad ang lalaki. Napahagikgik ang babae kasi ang kanyang you-know-what ay below average. Wala. Talo.

Ang lalaki parang nakasalang din sa isang dance contest ng Eat Bulaga:

  • Performance: 50%
  • Creativity: 30%
  • Overall Impact: 15%
  • Audience Appeal: 5%


Ang lalaki wala ng pakialam yan sa kung ano pang gawin ng babae. Tumihaya o tumuwad man yan walang problema. It's not the journey but the destination.

In closing, kawawa ang mga lalaki pagdating sa sex. Dapat lagi silang pagbigyan.